Kilala si Rachelle Ann Go bilang mahusay na singer. Hindi talaga maipagkakaila na isa siya sa pinakamagaling dahil sa angkin niyang talento sa pagkanta. Unang nakilala si Rachelle Ann noong sumali siya sa “Birit Baby” segment ng noontime show na Eat Bulaga noong 11 years old pa lamang siya.
Pagkatapos nito ay sumali naman siya “Search for a Star” noong 2004 at mapalad na nagwagi bilang Grand Champion na naging dahilan upang mapasama siya sa “ASAP” ng ABSCBN. Lumipat naman siya ng GMA Network noong taong 2010 kung saan ay napabilang naman siya sa “Party Pilipinas” at “Sunday All Stars.”

Matagal ng hindi nakikita si Rachelle simula nang mapasali siya sa “Miss Saigon” noong taong 2014. Napili siyang gampanan ang isa sa major role na si Gigi Van Tranh at ito nga ang nagbukas ng pinto upang makilala niya ang kanyang asawa.
Aniya, “I was walking down the aisle, naramdaman ko lang may nakatayo. Someone was standing like in the corner. Napatingin lang ako, nag-palpitate. Napa-double look ako pero nag-slow mo talaga, sabi ko, this is the guy I’m going to marry. Ganun. Talagang ganun sinabi ko.”

Tila nga na-love at first sight umano si Rachelle Ann noong panahon na yun para unang maisip na gusto niya na itong mapangasawa agad. Hindi naman nabigo si Rachelle Ann dahil inilaan talaga sila ng tadhana para sa isat-isa. Ngayon ay tatlong taon na silang kasal ng asawang si Martin Spies at masayang namumuhay sa London, United Kingdom.
Noon ngang nakaraang Marso ay isinilang niya ang lalaking anak na si Lukas Judah Spies. Hindi naging madali ang kanyang panganganak at muntik pa ngang ma-cesarean ngunit mas gusto niya na ipanganak ang panganay ng normal delivery kaya naman pinilit niya daw talagang umire. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos at ganun rin ang kanyang asawa na kasama niya sa panganganak bilang suporta.

Isa daw sa pinakamasayang karanasan niya sa buhay ay noong ipanganak niya si Lukas dahil isa daw itong himala para sa kanya. Noong una daw ay takot na takot siyang manganak ngunit sa tulong nga ng mga taong nakapaligid sa kanya na pinapalakas ang kanyang loob ay matagumpay niyang nairaos ang panganganak.
Bukod sa panganganak ay hindi rin naging madali para kay Rachelle at Martin ang makahanap ng kanilang sariling tahanan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na masyado ngang mahal ang mga properties sa London kaya naman ay marami talaga silang tiningnang properties upang mahanap ang tamang tahanan para sa kanilang pamilya.

Malaki ang pasasalamat ni Rachelle sa kanyang asawang si Martin dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanila. Hindi daw ito nagkulang mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki ngayon sa kanilang anghel. Napakabuti daw nitong asawa at ama sa kanilang pamilya.
Samantala, huminto muna sa pagiging singer-theater actress si Rachelle upang mapagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang panganay na anak. Masaya siya bilang hands-on mom kay baby Lukas dahil bilang isang first time mom, gusto niyang masilayan ang bawat yugto ng paglaki ng kanilang panganay.

Inamin din ni Rachelle na masaya siya ngayon sa estado ng kanyang buhay. Siya ay payapa at kuntento sa piling ng kanyang asawa at anak at higit pa ito sa kanyang inaasahan na biyaya sa kanyang buhay. Ngunit hindi niya rin naman isinasara ang kanyang sarili para sa mga darating na oportunidad at pagbabalik sa entablado upang magtanghal sa maraming tao.