Anim na Benepisyo ng Pagiging Plantito/Plantita sa Gitna ng Pandemya

Nang lumabas at kumalat ang pandemya na hatid ng Covid-19, marami sa atin ang nabigla at naguluhan. Pero sa kabila nito maraming pag-a-adjust ang nagawa ng bawat isa sa atin. Dumating pa nga sa punto na ipinagbawal ang paglabas, pamamasyal at maging ang pagtatrabaho ay bigla ring napatigil.

Isa sa naging stress reliever at kalaunan ay naging hobby na ng ating mga kababayan ay ang pagtatanim ng halaman. Sabi nga nila certified “plantita” o “plantito” ka kung nakahiligan mo ang paghahalaman sa panahon ngayon. Naging magandang pampalipas-oras nga ito ngayong pandemya at mayroong iba’t-ibang benepisyo para sa atin. Narito ang anim na dahilan kung bakit magandang maging certified “plantita” o “plantito”.

Credit: Ugaoo

1. Nagpapaganda ng kalusugang mental. Maaaring makapagpakalma at magbigay ng payapang pag-iisip. Nagbibigay din ito ng pakiramdam na parang nasa labas ka ng bahay kung kaya naman nawawala ang pagkainip na lumabas at mamasyal. Isa rin itong mabisang stress-reliever.

Credit: Metro Style

2. Nagpapalakas at nagpapabuti ng immune system. Ang magandang dulot din ng paghahalaman ay ang pagkakaroon ng malakas na immune system na kinakailangan natin lalo na ngayong pandemya. Ang taglay na phytoncides at iba pang airborne chemicals ay makapag-aalis ng stress sa tao dahilan upang magkaroon ng maayos na pagtulog.

Credit: Funk Trunk Philippines

3. Makapagbibigay ng kakayahang maging produktibo. Ang ganitong paghahalaman ay nakapagpapataas ng kagustuhan natin na makabuo ng isang bagay na naayon sa ating creativity, kaya naman itutulak tayo nitong maging produktibo kahit nasa bahay lamang.

Credit: The Philippine Star

4. Nakapag-aayos ng relasyon. Dahil sa pag-aalagang ginagawa mo sa isang halaman, mas magiging madali para saiyo ang mag-alaga ng iba pang may buhay na bagay o nilalang. Nakatutulong din ito sa mga taong mas gusto lamang na laging nasa bahay.

Credit: Domino

5. Makatutulong na matuto. Ang phytonutrients ay makatutulong sa ating kaisipan, bukod sa pagkatuto mas magkakaroon tayo ng kagustuhang matapos ang isang gawain at mag focus sa mga bagay na dapat pang matapos at gawin. Maiaalis din nito ang insekuridad at mag-iiwan ng konsentrasyon sa buong pamilya.

Credit: Little Yellow Wheelbarrow

6. Nakapagpapaganda ng kalidad ng hangin. Dahil sa polusyon, nagiging masama ang hangin na ating nalalanghap sa labas ng bahay maging sa mga kaugnay o malalaking bayan. Isa sa kagandahang dulot ng paghahalaman ay ang pagkakaroon ng magandang kalidad ng hangin sa bahay. Ang airborne chemicals na dulot ng halaman ang siyang nag-aalis ng polusyon sa hangin upang maging malinis ito para sa taong nakalalanghap nito. Hindi lamang nakapagbibigay ng libangan ang paghahalaman kundi nagbibigay ng magagandang benepisyo para sa ating katawan.

Leave a Reply