Isang Ina na Inabandona Umano ng Kanyang Pamilya sa Damuhan, Kinaawaan ng Netizens

Masakit isipin na may mga magulang na iniiwan ng pamilya matapos silang alagaan at palakihin at mas nakalulungkot na may mga anak na kayang pabayaan na lang sa kung saang lugar ang kanilang ina. Mapapaisip ka na lang kung paano nagagawa ng mga anak na pabayaan at iwan ang isang matanda at mahina na sa hindi ligtas na lugar. Agad na nag-viral ang ilang larawan ng isang matandang babae na nakahiga sa gitna ng damuhan na tila nanghihina at mag-isa.

Agad itong ikinadurog ng puso ng mga netizens na nakakita ng mga larawan. Hindi nila lubos akalain na may mga taong kayang gumawa nito sa isang matanda. Nagpadagdag pa sa galit ng mga netizens na nasa gitna ng kinakaharap na pandemya ay walang awang iniwan ang matandang babae kung saan ay posible siyang magkasakit na maaari niya pang ikamatay.

Credit: Facebook / Pilipinas Connect

Makikita rin sa larawan na nakahiga na lamang ang matandang babae sa tarpaulin dahil sa panghihina. Lubos na nakakaawa ang kalagayan ng matandang babae kaya naman ang mga taong nakapansin sa kanya sa lugar na iyon ay tumawag na ng tulog para siya ay masalba.

Agad namang dumating ang isang ambulansya at mga paramedics na may suot na PPE o Personal Protective Equipment dahil na rin sa pag-iingat sa pandemya. Agad nilang dinaluhan ang matandang babae na nakahiga sa damuhan upang tulungan at dalhin sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal.

Credit: Facebook / Pilipinas Connect

Napansin rin ng netizens na butot-balat na ang matanda na naging sanhi na rin siguro ng matagal nitong pamamalagi sa damuhan at maaring hindi pa ito kumakain ng maayos. Hindi imposibleng nagkasakit na ang matandang babae kung kayat hindi na ito makabangon at nakahiga na lamang. Lubos ang pag-aalala ng mga netizens at ipinagdadasal ang kanyang kondisyon at sana ay balikan siya ng kanyang pamilya o may mabuting tao na kumupkop sa kanya.

Ang larawang ito ay umani ng simpatiya at pagkagalit para sa mga taong gumawa sa kanya nito. Hindi naiwasan ng netizens na magpahayag ng negatibong komento dahil sa bugso ng kanilang damdamin.

Credit: Facebook / Pilipinas Connect

“Kung anong ginawa niyo sa mga magulang niyo, gagawin din sa inyo ng mga anak niyo. Golden rule po yan. It comes back in God’s own time, you will see.”

“Diyos ko patawarin kayo sa ginawa niyo sa Nanay niyo. Hindi kayo pagpapalain ng Diyos at hindi rin hahaba ang buhay niyo dito sa lupa.”

“Walang kwentang mga anak yan. Walang utang na loob, kung hindi dahil sa magulang niyo hindi kayo mabubuhay.”

“Mga lapastangan sa magulang, darating ang panahon na tatanda rin kayo. Hindi na kayo naawa, mga halang ang kaluluwa.”

“Nakakalungkot isipin na may mga ganitong puso ang anak niya. Itatapon na lang siya na parang basura. Bahala na po ang Diyos sa inyo.”

Credit: Facebook / Pilipinas Connect

Kung masakit itong tingnan para sa mga netizens, mas lalo siguro para kay Nanay. Wala na sigurong mas sasakit pa sa pakiramdam na inabandona siya ng kanyang sariling pamilya, ng kanyang mga anak na binuhay, inalagaan at pinalaki niya. Isipin na lang kung gaano nadurog ang puso ng matanda nang siya ay iwan sa gitna ng damuhan para mag-isa at tila wala ng pag-asa pa.

Nagpapasalamat naman ang netizens sa mga taong nanghingi ng tulong upang madala sa ospital si Nanay. Ganun rin ang pasasalamat nila sa maagap na pagdating ng ambulansya at mga paramedics. Hiling nila na sana ay nasa maayos na siyang kalagayan ngayon at magkaroon na ng tahanan na kukupkop sa kanya at bibigyan siya ng tamang pag-aalaga.

Leave a Reply