“Sana All”, Ginang Niregaluhan ng Isang Milyong Piso ng Kanyang mga Anak

Nag-viral ang isang video sa social media matapos sorpresahin ang isang ina ng halagang isang milyong piso ng kanyang mga anak. Hinangaan at kinainggitan ito ng netizens kung saan nga ay hindi normal na makatanggap ng isang milyon bilang regalo sa kaarawan.

Ibinahagi ni Lou sa kanyang Facebook kung paano nila sinurpresa ang kanilang ina. Hindi lang ito basta simpleng sorpresa kundi dinagdagan pa nila ito ng kakaibang twist. Marami nga ang natuwa dahil tila nasa palarong pera o kahon ang tema ng surpresa para sa ina ni Lou. Maski ang mga netizens na nakapanuod nito ay talaga namang inabangan kung ano nga ba ang pipiliin ng kanilang ina.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Mapapanood sa video na pinapapili nila ang ina kung ‘pera o package’ at talaga namang nahirapan ito sa pagpili dahil wala itong ideya kung ano ang magandang regalo na naghihintay sa kanya. Nagpadagdag pa sa hirap ng desisyon ng ina nila ay ng abutan nila ito ng halagang 100,000 pesos at pinapapili kung tatanggapin niya ba ito o ipagpapalit sa package.

Ang pagkage na tinutukoy sa sorpresa ay ang kanilang kwarto na punong-puno ng pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Dahil sa nakakatuwang palaro na ito ni Lou ay maski ang kanilang mga kamag-anak ay nakikisali na rin sa pagdedesisyon ng kanilang ina. May ilang hinihikayat si Nanay na piliin na lamang ang 100,000 dahil baka walang laman ang pagkage na tinutukoy ni Lou ngunit hindi nagpadala ang kanilang ina at sa halip at pinili ang pagkage.

Credit: Facebook / Lou

Pinili nito ang pagkage kahit hindi sigurado sa kung anong laman dahil nagtitiwala daw itong may mas magandang sorpresa ang naghihintay sa kanya. Hindi naman nagkamali ang ina ni Lou dahil bumungad sa kanya ang mga nakalatag ng pera sa kama at sofa ng kwarto. Labis na nagulat ang kanilang ina ng makita ang napakadaming perang isang libo at limang daan, at hindi nga nito lubos akalain na mabibigyan siya ng ganong klaseng regalo.

Matapos ngang maibigay ang sorpresang isang milyon sa ina ni Lou ay sabay-sabay naman nila itong kinantahan ng “Happy Birthday” song bilang pagdiriwang at pasasalamat nila sa kanilang ina. Saad ni Lou, kabayaran niya raw ito sa kanyang ina sa pagpapalaki at pagsasakripisyo para sa kanilang magkakapatid. Kulang pa raw itong kabayaran dahil alam niyang hindi sapat ang pera upang mabayaran ang lahat ng mabuting ginawa ng ina para sa kanilang pamilya.

Credit: Facebook / Lou

“Kahit anong trabaho, pinasok ni mama. Hindi siya natulog nang maayos, para lang maahon kami sa kahirapan,” saad ni Lou.

Lumaki daw talaga sa hirap ang pamilya nila Lou. Naranasan daw nilang mag-ulam lamang ng suka at dinikdik na luya noon sa hirap ng buhay. May mga pagkakataon naman na toyo at ginamos na binalot sa dahon ng saging namang ang kanilang baon sa paaralan. Bata pa lamang ay mulat na daw si Lou sa hirap ng kanilang buhay kaya naman nagsumikap syang maghanapbuhay upang makaahon sila sa kahirapan at masuklian na ang paghihirap ng kanilang ina.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Sobrang hirap po ng buhay namin noon kaya sabi ko talaga sa sarili ko, pagsisikapan ko na makapagbigay ng isang milyon kay Mama.”

Hindi naman nabigo si Lou na tuparin ang kanyang pangako sa sarili na mabigyan ang ina ng isang milyong piso. Talaga namang pinakita ang determinasyon niyang matupad ang pangako at mapasaya ang kanilang ina bilang kabayaran sa sakripisyo nito.

Ang video ng pagsorpresa nila sa kanilang ina ay umani ng maraming papuri at pinusuan ng mga netizens. Labis ang paghanga nila kay Lou sa ginawang surpresa sa ina. Makikita daw na sobrang mahal na mahal nito ang ina kaya’t gaano man kalaki ang halaga ng surpresa ay hindi nito inalintana.

Credit: Facebook / Kapuso mo, Jessica Soho

Ang surpresang ito ni Lou sa kanyang ina ay hindi daw para magyabang sa mga tao kundi magsilbing inspirasyon sa mga anak na huwag kalimutan ang sakripisyo ng mga magulang at matutong magpasalamat sa kanila.

“I just wanted to inspire people. Ang pera kasi, kikitain mo. Pero ang kaligayahan ng isang ina, hindi mo yan masusuklian ng kahit anong bagay.”

Mayroong ibat-ibang klase ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, may ilang pinapakita ito sa pagiging mabuti sa pag-aaral at ang ilan naman ay ang pagsorpresa o pagreregalo tulad ni Lou. Ano’t ano pa man, ang lahat ng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang ay hindi mali basta’t walang natatapakang tao at para sa kasiyahan nito.

Leave a Reply