75-Anyos na Lolo, Patuloy sa Pagtitinda ng Nilagang Saging at Mais Para sa Pamilya

Ang pagiging padre de pamilya ay malaking responsibilidad kaya naman kahit anong hirap ng trabaho ay kakayanin para sa pamilya. Hindi humihinto ang pagiging isang ama kahit pa tumanda na dahil wala itong pinipiling edad ng hangganan.

Kaya naman hinangaan ng netizens ang isang 75-anyos na tatay na patuloy pa rin sa paghahanapbuhay. Hindi niya alintana ang kanyang katandaan at nagsususmikap pa ring maglako ng panindang nilagang saging at mais sa kalsada upang kumita.

Credit: Stocksy

Ibinahagi ni Karen Juliano-Jimenez ang mga larawan ni tatay sa kanyang Facebook account dahil sa kanyang pagkabilib sa matanda. Lubos daw ang paghanga nya dito dahil hindi ito nagpatinag sa pagtitinda kahit na umuulan at kahit may pandemya. Ayon kay Karen matagal niya na daw nakikita si tatay na nagtitinda. Taong 2010 pa daw ng una niya itong nakitang naglalako ng nilagang saging at mais kaya naman nagulat siya dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin pala itong naglalako at nagsusumikap na maghanapbuhay.

“75 years old na si tatay pero hindi tumigil magtrabaho para sa pamilya. Kahit umuulan at may pandemya, tuloy ang paglalako niya. Simula 2010 ata nung una ko nakita si tatay sa staffhouse nagbebenta ng nilagang saging at mais,” saad ni Karen.

Credit: Facebook / Karen Juliano Jimenez

Bilang isang senior citizen nakakabahala para sa matanda na maglakad-lakad sa kalsada upang magtinda dahil alam naman ng lahat na delikado ang panahon ngayon. Maaaring dapuan siya ng sakit na Covid19 dahil sa kanyang edad at kung hindi naman ay baka madisgrasya pa siya sa kalsada. Maraming netizens ang hindi lang basta humanga kundi nag-alala rin para sa matanda.

Maging si Karen ay nakaramdam din ng pagkaawa at pag-aalala para kay tatay kaya naman hiling niya sa netizens na kung sakaling makita nila ito na nagtitinda sa may Pembo, Makati ay sana bumili sila upang makatulong kahit konti kay tatay.

“Please kung makita nyo siya dito around sa Pembo, bili kayo ng paninda niya para makauwi siya agad at makapahinga. May God bless and keep you safe always tatay,” dagdag ni Karen.

Credit: Facebook / Karen Juliano Jimenez

Hangad ng marami na sana ay matulungan ng lokal na gobyerno ng Makati si tatay dahil delikado na para sa kanya ang magtinda pa sa labas lalo na nga at matanda na siya at may kumakalat pang sakit sa panahon ngayon. Ang ilan naman ay umaasang mabigyan siya ng kahit maliit na tindahan para maipagpatuloy nya parin ang pagtitinda sa mas ligtas na paraan.

Hindi talaga matatawaran ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya. Maituturing na maswerte ang pamilya ni tatay dahil hindi ito nagpapabaya at patuloy pa ring nagtatrabaho. Para naman sa mga taong bumibili kay tatay ng kanyang mga paninda, malaking tulong ito para sa kanya, dahil isang mais o isang nilagang saging ay dagdag kita na.

Credit: Facebook / Karen Juliano Jimenez

Isang inspirasyon si tatay dahil sa kanyang sakripisyo at pagsususmikap sa buhay. Pinatunayan nyang hindi hadlang ang katandaan upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Lahat ay kaya niyang gawin kahit na umulan man o umaraw, at kahit sa gitna pa ng pandemya.

Leave a Reply