Neri Miranda, Nagpayo na Dapat Parehong Kumikita at Humahawak ng Sariling Pera ang Mag-asawa

Ang pag-aasawa ay isang malaking responsibilidad at hindi isang biro lamang na parang bahay-bahayan na pwedeng umayaw kapag ayaw nyo na. Sabi nga ng matatanda, “hindi ito parang kanin na iluluwa mo kapag napaso ka.”

Isa sa kinakaharap na problema ng mag-asawa ay ang usapin tungkol sa pera. Madalas pagtalunan kung sino ba ang dapat humawak at magpatakbo ng pera sa tahanan. Madalas ay ang asawang babae ang naghahawak ng pera sa tahanan, ibinibigay sa kanya ng kanyang asawang lalaki ang sahod nito at bahala na siya kung paano niya ito hahawakan at gagastusin.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Sa kulturang Pilipino ay normal lamang na babae ang naghahawak ng pera ngunit paano nga ba kung hindi marunong maghawak ng pera ang asawang babae at mas gusto niyang ang asawang lalaki na lang ang maghawak nito? Tulad na lamang ng isang netizen na nanghingi ng payo sa aktres na si Neri Naig-Miranda.

Ayon sa babae ay bagong kasal pa lang sila ng kanyang asawa at hindi daw siya magaling maghawak ng pera. Ngunit sinasabi sa kanya ng kanyang ina na siya dapat ang maghawak ng pera ng kanyang asawa na hindi niya naman kayang gawin kaya’t pinapagalitan siya ng ina.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Bilang isang babae inaasahan na marunong ka dapat maghawak ng pera lalo na kung may asawa ka na at sariling pamilya. Ngunit ang panahon ay nagbabago at moderno na kaya ang payo ni Neri ay mas magandang parehong kumikita ang mag-asawa at humahawak ng sarili nilang pera.

Para kay Neri at base na rin sa sarili niyang karanasan, napagkasunduan nila ng kanyang asawa na si Chito Miranda na hawakan ang kanilang sariling pera imbis na sundin ang nakasanayan na ang babae ang hahawak ng pera sa tahanan. Mas maganda daw na hindi nila pakialaman ang pera ng isat-isa at gawin lamang ang kanilang mga responsibilidad sa tahanan at pamilya.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Maganda rin para sa babae na hindi lang siya simpleng maybahay na naghihintay sa sahod ng kanyang asawa. Aniya, “Magtrabaho at magnegosyo ka. Para may sarili kang pera at palaguin mo.”

Sa una raw ay hindi rin siya marunong humawak ng pera noong bagong kasal pa lamang sila ng kanyang asawa. Natuto lamang siya kay Chito sa tamang paghawak at paggastos ng pera na naging malaking tulong para mahawakan niya rin ng maayos ang sarili niyang pera at hindi umasa sa kanyang asawa.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

“Ako naman nung bagong kasal kami, hindi rin ako marunong humawak ng pera. Kay Chito nga ako natuto.”

“Mas madali kung pareho kayong may sariling pera. Hindi niyo pag-aawayan ang pera sa bahay.”

Sa huli, payo ni Neri na nasa mag-asawa pa rin ang desisyon kung paano nila gustong hawakan ang kanilang pera. Mas maganda umano na pag-usapan ito ng mabuti at magka-intindihan upang maiwasan ang away.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

“Kahit ano pang sabiin ng ibang tao, ang importante yung napagkasunduan at napag-usapan. Para sa inyong dalawa yan eh.”

Sa kasalukuyan ay isang proud na asawa, ina at negosyante si Neri. Makikita sa kanyang instagram account ang kanyang ibat-iabng negosyo magmula sa gourmet tuyo, milk tea, beauty clinic at marami pang iba pa. Bukod sa kanyang pamilya at mga negosyo ay pinagkakaabalahan niya rin ang pagbibigay payo sa mga netizens na humihingi ng payo sa kanya.

Leave a Reply