Alamin ang Inspiring Money Tips ng mga Sikat na Artista Ngayon

Ang tamang paghawak ng pera ay importante lalo na sa panahon ngayon na mahirap ang buhay. Kaya naman ang tamang pag-iipon at tamang paggastos sa perang pinaghirapan ay hindi lang basta-basta. Kahit ang mga sikat na artista sa showbiz ay seryoso sa tamang paghawak ng kanilang mga pera.

Kilalanin natin ang mga artistang may magagandang money tips na tumutulong sa kanila ngayon upang mapanatili ang kanilang kumportableng buhay:

Credit: Instagram / bernardokath

Kathryn Bernardo

Bukod sa pagiging magaling na aktres, siya rin ay endorser ng ibat-ibang sikat na brands, isang matagumpay na businesswoman at isa na ring vlogger. Para kay Kathryn, isa sa pinakamagandang gawin sa perang naipon ay ang ilaan daw ito sa mga properties. Aniya,“If there’s one things I could share, especially sa mga ka-age ko, invest on properties kasi hindi ka talo kapag nag-invest ka sa ganun.”

Hindi niya raw kinakalimutan ang payo sa kanyang ina na huwag basta gumastos dahil lang marami na siyang pera. “Si Mommy palagi niyang sinasabi na hindi porke’t kumikita ka, gagastusin mo lahat. Kailangan mo pa rin mag-save for your future and dapat hindi pa rin magastos.”

Isa pang susi upang magtagumpay sa paghawak ng pera ay ang pagiging balanse payo ng aktres. “You need to balance everything lang, and huwag ka ma-overwhelm kapag feeling mo malaki iyong income mo this month. Kasi next month, hindi mo alam kung ano iyong mangyayari, so dapat lahat in moderation talaga.”

Credit: Instagram / supremo_dp

Daniel Padilla

Hindi lumaking mayaman ang aktor at inaming sapat lamang ang buhay nila noong bata pa siya kaya naman noong nagkaroon siya ng oportunidad na makapasok sa showbiz ay hindi niya ito sinayang. At kagaya ng kanyang long time girlfriend na si Kathryn, para kay Daniel tamang balanse rin ang kailangan pagdating sa pera.

“Normal naman ang pagtitipid, lahat naman tayo, pagka hindi tayo mga bilyonaryo, kailangan talaga natin magtipid dahil ang pera ay mabilis lang yan. Pero at the same time, you enjoy your money. Yun lang din para sakin, tamang balanse. Ako kasi bilang tao hindi ako masyado ganun katipid. I enjoy this material things, this money, these illusions. But you have to balance it kasi syempree hindi ka naman selfish eh. Para andyan yung pamilya mo. Kung may sobra eh di rock and roll. Ganun lang.”

Credit: Instagram / cathygonzaga

Alex Gonzaga

Si Alex ay maituturing na isa sa pinakasikat at matagumpay na YouTube vlogger sa panahon ngayon. Dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad, hindi kataka-taka na mahalin siya ng mga netizens at suportahan sa kanyang mga ginagawa. At bilang siya ay kasal na at may sariling ng pamilya, inamin ni Alex na mas naging responsable siya pagdating sa kanyang mga kita.

“I have to be wiser in my investments. I have to be wiser in spending money, need na mas maingat sa mga desisyon kasi I no longer just have to look after myself at mga needs ko. May sarili na ako ngayong pamilya and di na naman na dapat bilang maybahay ay iaasa natin buo ang kinabukasan sa mga asawa natin diba?” saad niya.

Bukod dyan ay pinayuhan rin siya ng kanyang ina na mag-invest sa mga alahas dahil isa raw itong magandang asset. “Sabi nga ni Mommy Pinty sa akin, ang alahas, lalo na ang gold, pondo rin yan. She said that it was and will always be a wise investment.”

Credit: Instagram / beaalonzo

Bea Alonzo

Isang sikat at matagumpay na vlogger na rin ngayon si Bea at isa sa mga naipundar niya ay ang kanyang malawak na farm sa Zambales. Hindi rin maitatanggi na bukod sa pagiging magaling na aktres ay magaling rin siya sa paghawak ng kanyang sariling pera.

“There was a point na 50% talaga went to my savings or more. And I made sure talaga, hindi naman sa ano, but I’m very proud of this, that I didn’t even purchase a designer bag for myself bago ko napatayuan ng bahay at nabigyan ng business ang Nanay ko. I had to do that first before I could even buy myself a designer bag. That was in 2007. So seven years muna akong nag-work bago ako bumili ng mamahaling bag. Lahat sponsored lang.”

Credit: Instagram / erichgg

Erich Gonzales

Matagal ng aktres si Erich at gumanap na rin sa maraming teleserye at pelikula. Matatandaan naman sa isa niyang vlog ang pagiging proud niya sa naipundar na bahay at mga nabili niyang lupa.

Payo niya, “You can never go wrong sa pag-invest ng inyong hard-earned money sa mga lote or lupa. Kasi nag-aapreciate yan talaga siya. Hindi siya nag-dedepreciate. So yun best talaga na investment mga lupa or lote.”

Credit: Instagram / sarahgeronimoshots

Sarah Geronimo

Sino bang hindi nakakakilala kay Sarah na isang sikat na aktres at mahusay na all out performer? Payo naman niya sa marami ay paglaanan ang sarili ng insurance dahil hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa buhay mo anumang oras at importanteng may proteksyo ka na sasalo sa’yo.

“One of the best things you can do is to secure your health and your future by having insurance protection. It’s important that you are financially prepared so that whatever happens, you’ll have support.”

Leave a Reply