Kylie Padilla, Umani ng Papuri nang Ipakita ang Kanyang Pagiging Simpleng Ina

Si Kylie Padilla ay isang aktres mula sa GMA Network at maituturing na sikat dahil sa kanyang galing sa pag-arte at angking kagandahan. Nagmula siya sa sikat na angkan ng mga Padilla na kilalang-kilala sa showbiz, isa na dito ang kanyang ama na si Robin Padilla. Ngunit mas lalong nakilala si Kylie ng gampanan niya ang karakter na si “Amihan” sa sikat na telepantasyang Encantadia ng GMA na umani ng maraming manunuod at mga tagahanga.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Bukod sa pagiging aktres ay isa rin itong ina sa dalawa nilang anak ng aktor na si Aljur Abrenica na sina Alas at Axl. Bilang isang ina ipinakita ni Kylie na malayo ito sa kanyang buhay showbiz na puno ng kinang at kagandaan. Kung sa showbiz ay lagi siyang glamorosa, kapag naman nasa bahay siya habang inaalagaan ang kanyang mga anak ay kabaligtaran naman nito.

Umani ng papuri sa mga netizens ang isang post ni Kylie sa kanyang Instagram kung saan ay nakasuot lamang siya ng malaking t-shirt na mayroon pang butas at jogging pants. Makikitang basang-basa ang kanyang malaking t-shirt dahil normal lamang ito kapag katatapos niya lamang paliguan ang kanyang mga anak.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Ayon kay Kylie, “My reality as mum is a lot less glamorous than I choose to lead on. This is it. This is how I look after giving my kids a bath because most of the time it becomes play time and well we are all wet by the time they are done showering.”

Natuwa ang mga netizens sa larawang ito ni Kylie sapagkat ipinakita niya ang reyalidad ng isang tunay na magulang. Bilang isang ina kahit gaano ka pa kaganda, at kaayos o magsuot ng magagarang damit, ang lahat ng ito ay mawawala kapag nagsimula ka ng mag-alaga ng iyong mga anak. Dahil ang pagiging isang ina ay hindi simpleng trabaho kundi mahirap na responsibilad na hindi mo na iisipin ang iyong itsura at ayos.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Dagdag pa ni Kylie, “This is my reality. It’s not picture perfect. Far from instagramable but it’s just how it is.”

Ayon sa mga netizens, normal lamang para sa mga ina ang pagiging hindi maayos ang itsura o kasuotan lalo na kapag nag-aalaga ng mga anak dahil mas prayoridad nila ang mga anak kaysa sa kanilang sarili. Dagdag pa ng mga netizens na kahit naman walang ayos si Kylie ay maganda pa rin ito.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Bilang isang ina, masaya si Kylie na gampanan ang kanyang responsibilidad bilang isang magulang sa kanyang mga anak. Malayo man sa kanyang pagiging artista ay may ibang hatid na kasiyahan naman ang motherhood sa kanya na hindi niya naramdaman sa mundo ng showbiz.

Sa kasalukuyan, nakakalungkot man ay naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Aljur Abrenica dahil umano sa balitang may third party ito. Ngayon nga ay lumipat na sila ng bahay ng kanyang mga anak upang simulan ang panibago nilang buhay. Ang parehong anak na sina Alas at Axl ay parehong nasa kanyang puder at pangangalaga.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Marami ang nagulat ng lumabas ang balitang naghiwalay na sila at hindi lubos akalain na mabilis din matatapos ang kanilang pag-iibigan at buhay mag-asawa. Dahil dito maraming netizens ang hindi naiwasang magpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Aljur lalo na at nabalitang mayroon siyang bagong babae umano. Marami rin ang naawa para kay Kylie at para sa kanyang mga anak dahil hindi nga biro ang maging isang single parent, lalo na at dalawa pa ang kanyang anak at mga bata pa ito.

Sa ngayon ay nagbalik artista si Kylie sa bago niyang pelikula kasama si Andrea Torres na “BetCin” kung saan ay magkatambalan silang dalawa. Bago kay Kylie ang karakter at gumanap bilang isang lesbian at parte ng LGBTQ community, para sa kanya ay isa itong challenge at magandang pagbabalik niya sa showbiz.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Hirap man siya ngayon bilang isang single parent at kagagaling lang sa hiwalayan, ay masaya si Kylie sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanya. Isa nga sa tumutulong at laging nandyan ay ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ama at kanyang matatalik na kaibigan sa showbiz. Mahirap man ay kakayanin ni Kylie para sa kanyang dalawang anghel na anak dahil sila ang pinagkukunan niya ng lakas.

Leave a Reply