Juday, Hindi Nagtanggal ng mga Empleyado sa Kabila ng Epekto ng Pandemya sa Kanyang Negosyo

Si Judy Ann Santos ay kilala bilang isang aktres, host, endorser at businesswoman. Maituturing na isa siya sa pinakasikat na artista noong kabataan niya hanggang sa kasalukuyan, kahit na may sarili na siyang pamilya at hindi na gaanong aktibo sa pag-arte. Bukod nga sa pagiging aktres ay isa rin siyang Youtuber na may 1.6 million subscribers sa kanyang channel na “Judy Ann’s Kitchen” kung saan ay ipinapakita niya ang kanyang pagluluto at nagtuturo ng kanyang mga recipe.

Credit: Instagram / officialjuday

Ang kanyang talento sa pagluluto ay ginamit niya rin upang magtayo ng kanyang sariling food business. Mayroon siyang restaurant na pinangalanang “Angrydobo” kung saan ang specialty at main dish ay adobo. Bukod sa adobo ay mayroon din silang ibat-ibang putahe at mga panghimagas tulad ng ibat-ibang flavor ng champorado.

Taong 2019 noong itinayo nila ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo ang kanilang food business na “Angrydobo” sa may Taft Avenue, Manila. Maganda ang naging takbo ng kanilang negosyo lalo na at masarap ang kanilang mga putahe. Bukod dito ay marami ring tao sa paligid ng kanilang restaurant at nakatulong rin na nakilala ito bilang sila ang may-ari.

Credit: Instagram / ryan_agoncillo

Ngunit dahil sa nangyaring pandemya ay naging malaki ang epekto nito sa takbo ng kanilang negosyo. Ilang buwan din itong nagsara dahil sa lockdown, at noong nagbukas ay hindi na kagaya ng dati ang kanilang kita dahil nga wala na masyadong tao.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami talagang negosyo ang naapektuhan dulot ng pandemya. Marami ang nalugi at hindi na nakabangon kaya naman ay napilitan na lang magsara. May iba namang nagbawas ng mga empleyado upang mabawasan ang pasasahurin, para lamang mairaos kahit paano ang naghihingalong negosyo.

Credit: Instagram / officialjuday

Kaya naman umani ng mga papuri mula sa mga netizens ang kabutihan ni Juday nang hindi siya magtanggal ng mga empleyado kahit na nahihirapan ang kanyang negosyo. Maitututring na maswerte ang kanyang mga empleyado dahil pinili nitong huwag silang tanggalin at patuloy na pasahurin kahit mahina ang kita ng kanilang food business.

Ayon kay Juday, mahirap man ang kinakaharap ng kanilang negosyo basta’t kaya pa nilang magpasahod at magbayad ng mga bills ay hindi sila magtatanggal ng mga empleyado. Marami ng nawalan ng trabaho ngayong pandemya kaya naman ayaw na nila itong dagdagan pa.

Credit: Instagram / officialjuday

“Kasi pag nasa food business ka sa gitna ng pandemya, ayaw mo madagdagan yung mga taong walang trabaho. So basically, we thought let’s keep on going hanggang mahanap natin yung sweet spot as long as may ipapasweldo tayo at may pambayad ng monthly bills,” pahayag nito.

Para kay Juday, importante ang kanilang mga empleyado at maituturing na nila itong pamilya, dahil kung wala sila ay wala rin ang kanilang negosyo. Kaya naman hindi niya maatim na tanggalan sila ng hanapbuhay lalo na at mas mahirap ang buhay ngayong pandemya.

Credit: Instagram / ryan_agoncillo

“Kung ano yung kikitain natin kahit maliit okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is. So that’s what happened.” Kahit na nahihirapan silang panatilihin ang kanilang negosyo ngayong panahon ng pandemya ay nananatiling positibo si Juday at nagtitiwalang makakabawi din sila.

“I’m just so grateful and thankful na bilang Pilipino, maabilidad kasi tayo. Naniniwala ako diyan. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para mabuhay, para makapagpatawa, kasi yung lungkot mo dadaanin mo na lang sa gagawa ka ng outlet mo para ilabas mo yun. And at the same time makakapagpasaya ka ng mga tao. It is something that I should say na nagpapasalamat ako na hindi ako malugmok na tao,” aniya.

Credit: Instagram / officialjuday

“Hindi ko dinibdib masyado ang mga bagay-bagay. Wala na tayong magagawa. Si Lord na ang gumawa nito. Alangan namang kuwestiyunin natin si Lord di ba? May ibig sabihin ito. Hanapan na lang natin ito ng sagot,” giit ni Juday.

Sa kasalukuyan, upang matulungan makabangon ang kanilang negosyo ay pumasok na rin sila sa online at delivery business. Bukod sa kanilang restaurant na maaaring puntahan sa Taft Avenue, ay pwede na rin itong makita online at umorder for delivery. Isa ito sa mga naging paraan ng mag-asawang Juday at Ryan upang kahit papaano ay makabangon at makaraos sila sa kanilang negosyo.

Leave a Reply