Iya Villania, Hindi Na Masuot Ang Kanyang Wedding Ring Dahil Sa Batak Niyang Kamay

Si Iya Villania ay isang aktres, TV host at showbiz reporter ng GMA network. Bukod sa kanyang showbiz career, isa rin siyang maalaga at maasikasong asawa’t ina sa kanyang tatlong anak. Ikinasal siya sa kanyang long-time boyfriend at kapwa aktor at host na si Drew Arellano noong taong 2014, at masayang namumuhay bilang isang pamilya hanggang ngayon.

Credit: Instagram / iyavillania

Nito lamang nakaraan nang i-post ni Iya ang larawan ng kanyang kamay, kung saan makikitang hindi na magkasya ang kanyang diamond wedding ring sa kanyang palasingsingan. Ang larawan niyang ito ay umani ng maraming reaksyon at atensyon dahil maraming netizens, lalo na ang mga kapwa niya ina ang naka-relate sa kanyang sitwasyon. Hindi daw nag-iisa si Iya dahil maraming ina sa mundo ang hindi na rin maisuot ang kanilang mga wedding ring dahil sa paglaki ng kanilang kamay at daliri.

Credit: Instagram / iyavillania

Makikita rin sa larawan na tila batak na batak ang kanyang kamay kung saan makikita nga ang mga ugat at mga guhit sa kanyang daliri. Maraming netizens ang nakapansin na tila ba hindi ito kamay ng isang artista na madalas makinis at magandang tingnan. Maski ang kanyang mga kuko ay simple lamang na walang ayos at kulay at hindi mahaba kumpara sa ibang kababaihan.

May iba ring nagduda kung kamay ba talaga iyon ni Iya o ng kanyang asawa dahil mukha daw itong kamay ng lalaki. Ito naman ay pinatotohanan ni Iya at sinabing kamay niya talaga iyon.

“Yes, those are my hands… not Drew’s,” aniya.

Credit: Instagram / iyavillania

Saad din ni Iya na hindi daw siya mahilig magsuot ng mga alahas at palamuti sa kanyang katawan kahit mismo ang kanyang wedding at engagement ring ay hindi niya rin isinusuot. Sa tagal ng panahon na hindi niya ito suot ay hindi na ito magkasya sa kanya nang kanyang subukan.

“I’m not one who wears jewelry, not even my wedding or engagement ring, so when I tried my ring on again… eto tuloy.”

Biro naman ni Kuya Kim Atienza, na ninong sa kasal nila Iya, “Hahaha you didn’t put on weight naman inaanak. Lumiit lang yung ring from non-use.”

Credit: Instagram / iyavillania

Ang kamay ni Iya ay isang patunay ng pagiging masipag, maalaga at maasikasong asawa at ina. Pinatunayan niya lang na kahit ang mga artistang gaya niya ay normal lang din katulad ng ibang ina. Kaya naman umani rin siya ng mga papuri sa mga netizens.

Maraming netizens at lalo na mga kapwa niya ina ang natuwa kay Iya sa pagiging totoo niya kaya imbis na kutyain ang kanyang kamay dahil sa itsura nito ay pinuri pa nila si Iya sa pagiging isang mabuting ina.

Credit: Instagram / iyavillania

Wala ring problema sa kanyang asawa na si Drew na hindi niya na maisuot ang kanyang wedding ring dahil naiintindihan naman nito na hindi na ito magkasya sa kanya. Mas lalo pa siyang minahal ng kanyang asawa dahil ipinakita lamang nito kung gaano siya kabuting asawa at ina.

Patunay din ito na wala sa estado ng buhay ang pagiging isang mabuting ina. Kahit artista o mayaman na tulad ni Iya ay kayang mag-asikaso at mag-alaga gaya ng mga normal na ina, na kahit ang tulad niya ay nagkakaroon rin ng malaking kamay, mga ugat at guhit.

Credit: Instagram / iyavillania

Masaya si Iya at proud sa kanyang kamay kahit na hindi na niya maisuot ang kanyang diamond wedding ring. Ayaw nya rin daw itong ipare-size dahil ayaw niyang mabawasan ang sentimental value nito at gusto niyang manatili lang ito sa orihinal na sukat. Itatago niya na lamang daw ito at ipapamana sa isa sa kanyang mga anak.

“Looks like the next time I’ll see this ring is when I pass it on to one of my kids.”

Leave a Reply