Philmar Alipayo, “Hands On” na Asawa at Ama sa Kanilang Pamilya ni Andi Eigenmann

Nakilala si Philmar Alipayo bilang partner in life ng aktres na si Andi Eigenmann. Sila ay mayroong dalawang anak, Lilo at Koa, at masayang naninirahan sa Siargao. Nito lamang ng isilang ni Andi ang pangalawa nilang anak ni Philmar na si baby Koa kung saan nga ay ibinahagi nila sa kanilang vlog ang pagiging “hands on daddy” ni Philmar sa pinakabagong miyembro ng pamilya. Makikita sa vlog kung gaano kasaya kaya naman hindi ito nagpapaawat sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanilang bagong anghel.

Credit: Instagtam / chepoxz

Sa kanilang vlog na “Newborn Days! At Home With Our Little Boy”, ibinahagi nila Andi at Philmar ang kanilang buhay matapos ipanganak si Koa. Makikitang hindi iyakin ang sanggol na ikinatuwa ni Andi dahil hindi daw ito ganun kahirap alagaan.

Dahil kapapanganak pa lang, hindi pinapabayaan ni Philmar si Andi at kasama niya itong mag-alaga at mag-asikaso kay Koa. Si Philmar mismo ang nagpapaligo kung saan ay masayang nanunood ang kanilang anak na si Lilo.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Bukod sa pagpapaligo ay tumutulong rin si Philmar sa pagpapatulog kay Koa. Masaya rin ang dalawa pa nilang anak na sina Ellie at Lilo sa pagbabantay at paglalambing sa kanilang bagong kapatid. Makikita nga sa vlog na palaging binabantayan ng dalawa si Koa habang natutulog, at si Lilo naman ay panay ang halik dito at sinusubukan pa itong buhatin.

Hindi lang basta hands on daddy si Philmar kundi hands on din sa gawaing bahay. Si Philmar mismo ang naglalaba ng kanilang mga damit at nagtutupi nito. Ito raw ang paborito niyang gawin bilang sanay na siya sa mga gawaing bahay at maliit na bagay lamang ito para tulungan ang asawa na mapadali ang kanyang buhay at mabawasan ang kanyang mga alalahanin sa bahay nila.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Makikita rin sa vlog ang pagiging mapagbiro at masayahing tao ni Philmar kung saan nga ay nagpapatawa siya at sumasayaw-sayaw pa. Natutuwa sila Andi at ang mga bata sa kakulitan ni Philmar na sinasabayan pa ni Ellie sa pagsayaw at kakulitan. Nasabi nga ni Andi na isa sa pinagkakaabalahan at bonding ni Philmar at Ellie ay ang pagti-tiktok kung saan ay sumasayaw silang dalawa at makikita pa nga na nag-eensanyo pa ang dalawa sa pagsayaw.

Credit: YouTube / Happy Islanders

Inamin naman ni Andi na nagkaroon siya ng postpartum depression noong ipinanganak niya si Lilo ngunit hindi siya pinabayaan ni Philmar at laging pinapaalala na normal lamang ito at lagi siyang andyan. At ngayon ngang kakapanganak niya lang ay nagpapasalamat siya dahil laging nakakaalalay si Philmar sa kanyang tabi at laging sinisiguradong maayos lang siya.

Sa ngayon ang Youtube Channel nilang “Happy Islanders” ay may 2.27 million subscribers na. Maraming netizens ang nag-aabang sa mga vlogs dahil natutuwa sila sa pagiging simple at natural ng pamilya.

Credit: Instagram / andieigengirl

Hindi lang simpleng subscribers at viewers and mayroon sila Andi at kanyang pamilya dahil makikitang maraming nagmamahal sa kanila. Isa silang inspirasyon sa pagkakaroon ng payak ngunit masayang buhay. Isa ito sa hinahangaan ng marami lalo na kay Andi dahil sa kabila ng marangya niyang buhay noong nag-aartista pa lamang siya ay iniwan niya ito ay masayang pinili ang simpleng buhay kasama ang pamilya sa probinsya.

Marami ring humahanga kay Philmar bilang isang maalaga at mapagmahal na partner at ama sa kanilang mga anak. Hindi rin naging hadlang na kahit hindi niya anak si Ellie ay mayroon parin silang magandang relasyon sa isat-isa na parang tunay na mag-ama. Hindi talaga maitatanggi na maswerte si Andi sa tulad ni Philmar na mahal na mahal siya at ang kanilang buong pamilya na handa maging hands on sa lahat ng bagay.

Leave a Reply