Matandang Pulubi na Hubo’t Hubad, Binihisan at Pinakain ng Mag-Asawang Napadaan

Hindi na bago ang makakita ng pulubi sa kalsada at minsan pa nga ay dinadaan-daanan lang sila at iniiwasan ng mga tao. Madalas silang makita na namamalimos at napakadumi, halatang napabayaan na ang sarili at kaawa-awa ang kalagayan. Bukod sa pangkaraniwang pulubi o taong grasa na nakikita sa tabi ng daan, mayroon ring hubot-hubad na makikita,at imbes na tulungan ay pinagtatawanan pa.

Kaya naman isang post ang nag-viral sa social media matapos makita ng netizens ang ginawang pagtulong ng mag-asawa sa isang hubot-hubad na pulubi. Ang hindi pangkaraniwang kagandahang loob na ito ay hinangaan ng marami at umani ng papuri.

Ayon sa post ni LJ Adop ay nadaanan nila ng kanyang asawa na si Wilfredo ang matandang pulubi na walang anumang kasuotan at imbes na matawa sila o mandiri ay kinaawaan nila ito.

Credit: Facebook / LJ Adop

Ito ang buong post ni LJ: (kanina habang paalis kami) Posh, may nakita akong lalaki nakahubad, as in walang damit. (pagbalik namin) Wait Posh, bilhan natin ng damit, sana meron bilihan, kahit ukay lang. Nakakaawa naman, pinagtatawanan. (buti nalang may malapit na ukay store) Thank you, Posh, napakabait mo talaga.”

Ang nasabing matanda na walang anumang kasuotan ay madalas na raw nilang mapansin sa tabi ng kalsada at sakay ng kanilang motorsiklo ay nadaanan ulit nila ito. Hindi natiis ng mag-asawa ang kalagayan ng matandang pulubi lalo na’t nakikita nilang pinagtatawanan lang ito ng mga taong nakakakita at napapadaan imbes na tulungan sana.

“Nung pagbalik po namin, saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po. Nakahubad, nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh,” saad ni Wilfredo.

Credit: Facebook / LJ Adop

Hindi pangkaraniwan na makakita ng taong hubot-hubad sa kalsada kaya naman hindi maiwasan ng marami na pandirihan at pagtawanan ang mga katulad nila. Ngunit ang mag-asawang sina LJ at Wilfredo ay ipinakitang wala sa itsura ng tao kung sino ang dapat mong tulungan. Lahat ng nangangailangan ng tulong, pulubi man o hindi, may damit man o wala, ay dapat tulungan kung kinakailangan.

Agad na bumili ang mag-asawa ng damit sa ukay-ukay para sa matandang pulubi at mabihisan ito. Hindi rin nila alintana ang virus dala ng pandemya dahil ang tanging nasa isip nila ay matulungan at mabihisan ito.

“Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naiisip yung virus virus, naawa kasi ako kay Tatay,” dagdag pa ni Wilfredo.

Credit: Facebook / LJ Adop

Maraming netizens ang humanga at natuwa sa ginawang kabutihan ng mag-asawa.

“Proud of you Kuya and Ate, nawa’y pagpalain pa kayo ng Dios at magsilbi kayong inspirasyon sa iba.”

“Good samaritans. God bless you, bountiful blessings awaits you being a kind couple.”

“You’re the best example of the society despite of pandemic still you exert an effort to help. God bless.”

“They’re God’s instrument to show kindness, love and concern to the needy and hopeless.”

“Nakabuti ng inyong kalooban, saludo ako sa inyong mag-asawa. Dapat kayong pamarisan bibiyayaan kayo ng Panginoon dahil sa ginawa niyo.”

Credit: Facebook / LJ Adop

Tunay na sila ay nagsilbing magandang halimbawa para sa marami na huwag lang tumingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao para tumulong. Ang simpleng kabutihan ay kayang magbago ng buhay at hindi kailangan na mayaman ka para lang makagawa ng mabuti dahil ang lahat ay may kakayahan kung gugustuhin.

Hangad din ng netizens na sana ay marami pa ang mga taong may mabubuting puso ang tumulong sa mga katulad ni Tatay. Sa panahon ngayon, hangad din ng mag-asawa na huwag pagtawanan ang mga katulad ni Tatay kundi kaawaaan sila at tulungan.

Credit: Facebook / LJ Adop

Sa hirap ng buhay ngayon, normal na talagang makakita ng ibat-ibang uri ng pulubi sa kalsada. Sila ay namamalimos, madungis at ang iba ay nakahubad pa nga. Wala silang tirahan na mauuwian kaya naman umulan man o umaraw ay makikita mo sila na palaboy-laboy sa daan. Wala silang pamilya na nag-aalaga kung kaya’t makikitang napabayaan na nila ang kanilang mga sarili. Kaya naman malaking bagay na para sa kanila ang mabigyan ng konting atensyon at barya kung sila ay madadaanan.

Leave a Reply