Kilalanin ang Napakagwapong Anak ni Miss Cherie Gil, Mag-Aartista Din Kaya Ito?

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Cherie Gil? Isa lang naman siya sa mga batikang artista na nagpamalas ng angking galing sa pag-arte sa loob ng maraming taon. Sumikat siya dahil sa hindi malilimutang karakter bilang kontrabida sa telebisyon kung saan maraming manunuod na rin ang nanggigil at nadala sa kanyang mahusay na pagganap. Bukod pa dyan ay nagmula rin siya sa pamilya ng mga artista kung saan nga ay kapatid niya ang mga aktor na sina Michael de Mesa at Mark Gil.

Credit: Instagram / macherieamour

Nagkaroon din ng asawa si Cherie kung saan ay ikinasal siya sa isang Israeli violinist na si Roni Ragoff noong 1994, ngunit ito ay nagtapos rin noong taong 2008. “Were both growing up as human beings. May ibat-ibang klaseng pagmamahalan,” saad ni Cherie Gil.

Gayunpaman ay nanatiling maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan ng dating asawa dahil ito na lamang ang magagawa nila para sa kanilang dalawang anak. Para kay Cherie may mga pagmamahal na kailangan humantong sa hiwalayan para sa ikabubuti ng lahat, at hindi naman ibig sabihin ay kakalimutan na nila ang isat’isa.

Credit: Instagram / macherieamour

“Para sa akin kapag mahal mo ang isang tao, you have to leave a room for each other to grow. You have to give each other space but without losing connection emotionally,” dagdag pa niya.

Samantala, ang dalawang anak na biyaya sa kanila ng Maykapal ay lumaking maayos kahit na naghiwalay sila ng kanyang asawa. Lumaki ang kanyang dalawang anak na sina Bianca at Raphael sa Israel pero kasalukuyang nakatira sa New York dahil sa pag-aaral. At kagaya ng kanyang ina ay may talento rin si Bianca sa pag-arte kung saan ay nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in Fine Arts, Major in Drama sa NYU’s Tisch School of Arts noong 2019.

Credit: Instagram / macherieamour

Habang si Raphael naman ay may talento at pagkahilig sa football dahil na rin sa angking tikas at magandang pangangatawan kaya’t hindi nakakapagtaka ang pagiging aktibo nito sa sports. Mahilig rin itong mag-travel kasama ang kanyang kasintahan na si Solveig Martin.

Hindi naman nakatakas sa mata ng publiko ang angking kagwapuhan na taglay ni Raphael. Maraming netizens ang nakapansin na mukha itong artistahin at bagay sa mundo ng showbiz. Dahil parehong gwapo at may magandang pangangatawan ay hindi naiwasan ang pagka-kyuryoso ng mga tao kung may balak ba itong pumasok sa showbiz. Wala namang naging pahayag dito ang aktres at ina nilang si Cherie.

Credit: Instagram / macherieamour

“Nice! Stunningly! Center of limelight for sure! Next centerfold magazine.”

“Gwapo! Pwede mag-artista.”

“Saan pa ba magmamana yan, syempre ang ganda ng mama niya.”

“Ang gwapo! Mestizo pa!”

“Maganda kasi ang lahi nila, parehong maganda at gwapo ang magulang kaya sure na gwapo yan.”

Credit: Instagram / raphrogoff

Ilan lang yan sa mga komento ng mga netizens na pumuri sa kagwapuhan ng anak ni Cherie Gil.

Dahil hindi kasama ni Cherie ang kanyang dalawang anak ay madalang niya lang itong makita at makasama dahil kasalukuyan ngang nakatira ang mga ito sa America. Ngunit bilang isang ina, hindi naman siya nakakalimot at parati pa ring kinakamusta ang mga anak kahit na abala sa kanyang trabaho bilang aktres. Naglalaan rin siya ng araw ng pagpunta sa America upang mabisita at maka-bonding ang kanyang mga anak.

Credit: Instagram / ralphrogoff

Kahit naman hindi lumaki sa Pilipinas ang kanyang dalawang anak ay nakabisita naman na ito sa bansa. Ang bakasyon nila sa Pilipinas ay naging masaya dahil sa magagandang tanawin at tourist spot na kanilang nabisita, at syempre dahil kasama nila ang kanilang ina.

Leave a Reply