7 Benepisyo ng Pag-inom ng Maligamgam na Tubig Tuwing Umaga

Isa ka rin ba sa libo-libong indibidwal na umiinom ng kape o tsaa pagkagising sa umaga? Naisip mo na ba na may mas magandang alternatibong inumin na pwede mong makasanayan at may magandang maidudulot sa katawan?

Ayon sa mga eksperto ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga pagkagising kapalit ng mga nakasanayan nating inumin ay mas mainam at mas maraming benepisyo para sa ating pangangatawan. Nakatutulong ito na maayos ang bituka at maging madali ang pagdumi araw-araw. Himayin natin sa artikulong ito ang mga benepisyong hatid ng maligamgam na tubig sa ating katawan.

Credit: NDTV

1. Maiiwasan ang ‘premature’ na pagtanda. Ang toxins sa ating katawan ang siyang dahilan ng maagang pagtanda ng ating cells na nagdudulot ng maagang pagtanda ng balat. Nakatutulong ang maligamgam na tubig sa katawan upang mawala ang toxins at makapagpaganda ng balat.

Credit: The Health Site

2. Pantanggal sakit o kirot. Mabisang gamot din ito sa menstrual cramps para sa mga babae. Maaasahan din ang maligamgam na tubig pagdating sa pagpapagaling ng iba pang klase ng cramps. Pinagaganda nito ang kondisyon ng maliliit na ugat sa katawan kung kaya nawawala ang kirot na nararamdaman ng isang indibidwal.

Credit: The List

3. Nakapagbabawas ng timbang. Nakapagpapataas ng temperatura ng katawan ang maligamgam na tubig kung kaya bumibilis ang panunaw na nagreresulta ng pagsunog ng calories sa buong maghapon. Payo din ng mga eksperto maaring lagyan ng lemon ang maligamgam na tubig. Makakatulong ito na maiwasan ang kagustuhang kumain.

Credit: Gigadocs

4. Nakatutulong sa pagtunaw ng kinain. Sa pag aaral, ang malamig na tubig ay lalong nagpapasolido ng ating kinain sa tiyan. Ngunit ang maligamgam na tubig ay mas mainam sa tiyan at nagpapabilis na makadumi.

Credit: Reader’s Digest

5. Mainam sa pagdaloy ng dugo. Naaalis ang mga taba na nakadeposito sa katawan at nailalabas ang toxins. Tinutulungan nito ang katawan na magkaroon ng maayos na daloy ng dugo.

Credit: Life Hack

6. Maiiwasan ang pagka-tibi sa pag- dumi. Ang kawalan ng tamang dami ng tubig sa katawan ang isa sa nagiging sanhi ng constipation. Ang pag-inom ng maligamgam na tubig bago kumain ay makatutulong sa maayos na pagdumi. Dagdag pa rito ang mga babae ang lubos na makikinabang sa pamamaraang ito, dahil ang mga babae ay mas maraming hormones.

Credit: Be Beautiful

7. Nagbibigay ng maayos na tulog. Ang pag-inom ng maligamgam na tubig bago matulog ay nakapagbibigay kalma sa katawan at ugat. Nagreresulta ito ng maayos at mahimbing na tulog. Mababawasan rin nito ang magutom o matakam kumain lalo na sa kalagitnaan ng gabi kung kaya magaan ang paggising sa umaga. Malayo sa pagkakaroon ng mabigat at punong tiyan na nakakapagpapasama ng pakiramdam paggising. Ang mga natural na pamamaraan na ito ay hindi nangangailangan ng malaking halaga ng pera kung kaya mas mainam na ito ang gawin at kasanayan.

Leave a Reply