10 Benepisyo ng Paggising ng Maaga Tuwing Umaga

Madalas mo bang naririnig sa mga magulang natin na matulog ng maaga para magising din ng maaga kinabukasan? Noon, isa sa mga kaugalian na itinuturo sa atin ay ang matulog ng nasa oras. May hatid din itong magandang benepisyo hindi lamang sa katawan kundi pati na rin sa ating kaisipan. Narito ang ilan sa magagandang dulot ng pagtulog at paggising ng maaga:

Credit: The Ladders

1. Nagbibigay kapayapaan at kaaliwan sa sarili. Isipin mo ang isang umaga na gumising kang payapa ang paligid dahil nauna kang gumising habang tulog pa ang karamihan. Hindi ba’t masarap sa pakiramdam ang kapayapaan ng paligid? Nakapagpapa-relax ito ng isip, nagbibigay ng maayos na blood pressure at maayos na mental health.

2. Mas maraming oras ng pagkain ng almusal. Sa ganitong paraan maiiwasan natin ang kumain ng hindi masustansyang pagkain at magkakaroon ng tamang balanse ng nutrisyon na kailangan natin sa maghapong gawain.

Credit: Heart Org

3. Mas maayos na takbo ng utak o pag-iisip. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang paggising ng maaga ay nagbibigay na maayos na takbo ng utak, kakayahang makaresolba ng problema o makaisip ng tamang solusyon. Nagbibigay din ito ng tamang konsentrasyon at magandang memorya. Magiging produktibo rin sa trabaho at eskwelahan ang gumigising ng maaga.

4. Nagbibigay ng maraming enerhiya. Ang maayos na pagtulog at maagang paggising ay magdudulot sa ating katawan na magkaroon ng malusog na muscles, tissue, buto at mababang blood pressure. At nagbibigay ng pakiramdam na positibo.

Credit: Sleep Score

5. Ginagawang kaakit-akit. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtulog ng maaga ay nagbibigay ng maganda at “fresh look”. Kabaligtaran naman ang nangyayari sa mga huli na matulog, na nagdudulot na magkaroon ng maiitim na bilog sa mata at mukhang pagod.

6. Pag-eehersisyo. Kung isa ka sa nagbabalak na simulan ang araw-araw na pag-eehersisyo mainam na matulog at gumising ng maaga. Mas makakabuti rin na gumising ng maaga upang maipagpatuloy ang pag-eehersisyo sa kabila ng abalang gawain sa araw-araw. Mapalalakas nito ang katawan na magagamit sa maghapong trabaho o gawain.

7. Makaiiwas sa mga sakit o “lifestyle desease”. Ang maayos na pagtulog ay magbibigay ng kinakailangang “hormones” ng katawan na nagreresulta sa malusog na pangangatawan at nakaiiwas sa sakit na dulot ng pang araw-araw na pamumuhay.

Credit: Pronamel

8. Malaking puntos sa eskwelahan. Ang estudyanteng maaga matulog at gumising ay magkakaroon ng maayos na pag-iisip na nagreresulta na magkaroon ng mataas na puntos sa pagsusulit at mataas na marka kumpara sa sa mga estudyanteng huli na matulog.

9. Mabilis na pagbyahe. Ang paggising ng maaga ay malaking tulong para sa mga trabahador na pumapasok sa trabaho na sumasakay sa pampublikong sasakyan. Maiiwasan ang stress dahil sa pagka-late sa trabaho. Sa ganitong paraan, mas makapag- iisip ng maayos tungkol sa mga trabahong gagawin sa maghapon.

10. Mas maraming oras sa pamilya. Ang paggising ng maaga ay magbibigay saiyo ng mas maraming oras upang gawain ang mga nakatakdang gawin. Nagreresulta na magkaroon ng oras pa rin sa pamilya.

Leave a Reply