Sampung Benepisyo ng Panonood Kasama ang Buong Pamilya

Bilang isang pamilya, ano ang madalas na aktibidad na inyong ginagawa? Alam nyo ba na ang panonood kasama ang buong pamilya ay mayroong magandang epekto lalo na sa inyong mga anak? Sa artikulong ito malalaman natin ang kahalagahan ng simpleng aktibidad na ito:

Credit: Plugged In

1. Nakapagpapatibay ng pamilya. Ang paglalaan ng oras sa pamilya ay nakabubuo ng maayos na pagsasama sa bawat myembro nito. Isang paraan ang panonood ng pelikula upang mas maging malapit ang bawat isa sa pamilya. Siguraduhin lamang na angkop sa lahat ng edad ang pinanonood.

2. Nakapagpapataas ng kakayahan sa pag-aaral. May mga eksperto na nagsasabi na ang mga bata na nakakasama ang magulang sa mga aktibidad tulad ng panonood ng pelikula ay gumagaling sa eskwelahan kesa sa mga batang hindi madalas makasama ang magulang.

Credit: Savvy Mom

3. Nakapagpapababa ng problema sa kaugalian ng bata. Ang ganitong aktibidad ay nakapagdudulot sa bata na magkaroon ng magandang pag-uugali at asal. Magandang paraan rin ito na mabigyan ng magandang pangangaral ang anak habang nanonood ang buong mag-anak.

4. Mababawasan ang pagiging bayolente ng bata. Isa rin sa napatunayan ng mga eksperto na ang panonood ng mga bata kasama ang mga magulang ay nakakabawas ng kakayahan nilang maging bayolente.

Credit: Family Vacation Critic

5. Pag-abuso at paggamit ng bawal na gamot. Napatunayan na ng samu’t-saring pag-aaral na ang mga kabataan na madalas hindi kasama ang magulang ay siyang maaaring magkaroon ng kagustuhang subukan ang mga pinagbabawal na gamot. Mas mainam na magbigay palagi ng oras para sa mga anak.

6. Nakapagpapataas ng tiwala sa sarili. Ang pagkakaroon ng mga bata ng malapit na samahan sa pamilya ay nagdudulot sa kanila na maging produktibo, kakayahang maging pala-kaibigan at tiwala sa sarili.

Credit: Nerdy With Children

7. Nagpapatibay ng samahan ng mag-asawa. Sa pag-aaral ng mga eksperto, ang mag-asawang madalas na magkasamang nanonood ay nagiging mas malapit at napapatibay ang relasyon. Nagiging magandang halimbawa rin ito para sa mga bata.

8. Maiiwasan ang pagtatagisan ng magkapatid. Nagiging malapit ang mga magkakapatid kung sila ay sama-sama sa panonood at maiiwasan ang awayan o paligsahan. Sa ganitong paraan mararamdaman ng magkapatid ang parehas na atensyon na ibinibigay ng magulang.

Credit: Family App

9. Nagpapataas ng tiwala ng bawat isang myembro ng pamilya. Ang panonood kasama ang buong pamilya nang magkakasama ay nagbibigay daan na mapalapit ang bawat miyembro sa isa’t isa. Kaya naman mas nagiging madali ang pagkakaroon ng tiwala dahil sa nabuong samahan habang nanonood.

10. Napapabuti ang pakikisama at kakayahan ng komunikasyon ng mga bata. Ang kakayahan ng mga batang makipag-usap sa ibang tao ay unang nabubuo sa bahay, kung kaya’t nagiging daan din ang sama-samang panonood upang magkaroon ng kakayahang makipagusap ang mga bata. Ang panonood ng sama-sama kasama ang buong pamilya ay naglalayon na magkaroon ang mga bata ng kakayahang makisama sa iba.

Leave a Reply