Baron Geisler, Nagsisisi Na Hindi Naging Mabuting Anak Noong Nabubuhay Pa Ang Kanyang Ina

Ang aktor na si Baron Geisler ay nakilala bilang bad boy ng showbiz industry dahil sa kanyang mga isyu at kinasangkutang mga gulo at away noon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang kanyang magulong buhay na madalas laman rin ng mga tabloid at blind items.

Ngunit ang lahat ay nagbabago at deserve magkaroon ng second chance sa buhay at isa na doon si Baron. Nitong mga nagdaang taon nga ay napansin ng lahat ang malaking pagbabago sa buhay niya nang mahanap ang kapayapaan sa tulong ng kanyang pamilya at matinding pananampalataya sa Diyos.

Credit: Instagram / baron.geisler

Ngayon nga ay masaya at proud si Baron na sabihin na siya ay isa ng ‘changed man’ at ‘better person’, malayo sa dati niyang imahe na ‘bad boy’ na laging nasasangkot sa gulo at away. Matatandaan na noong nakaraan ay nagkaroon siya ng tell-all interview sa vlog ng sikat na TV host at aktres na si Toni Gonzaga, kung saan nga ay ibinahagi niya ang mga pagbabago sa kanyang buhay.

Pinahayag ni Baron na hanggat maaari ay iiwas na siyang masangkot sa mga gulo at malayo sa mga away para sa kanyang pamilya. Iniisip niya na ang kanilang kapakanan kaya naman ayaw niyang masaktan at madamay ang mga ito. Masasabi niya raw na talagang nagbago na siya lalo na’t mayroon na siyang pamilya at isa na rin siyang ama. Siya pa rin daw ang nakilalang si Baron Geisler ngunit mas mabuti ng tao kaysa dati.

Credit: Instagram / baron.geisler

“I could say I’m still Baron but I’m a better version of that guy. I could say that I’m a better person now. First of all, having kids I wouldn’t want anything to happen with them. So, as much as possible, I just want to behave, stay away from trouble. Ayaw ko ng enemies,” aniya.

Hindi rin naiwasan ni Baron na maging emosyonal nang ibahagi niya ang pagkawala ng kanyang ina. Masakit para sa kanya na nawala ito nang hindi man lang niya naipakita ang kanyang buong pagbabago. Kwento niya, “I was preparing to go to a 5 day retreat. And I was sober for a while. So I went to her room… nakaputi ako nito, long hair, may bigote.. ‘Mom, Baron here. Good boy. I’m gonna go to this retreat, I’ll see you when I get back.'”

Credit: Instagram / baron.geisler

Ngunit ayun na pala ang huling sandali na makakasama niya ang kanyang ina dahil sa punto ngang iyon ay tuluyan na itong nawala.

“Parang sa pelikula, she tried to stand up and say something and sabi ko, ‘What is it?’ Feeling ko, on a happier note, baka sa long hair ko at bigote ko, akala niya ako si Jesus, I sort of knew so kumuha ako ng penlight chineck ko yung mata ni Mommy. Ang slowly, slowly nagdi-dilate. That’s when I knew we lost her. I was there,” emosyonal niyang pagbabahagi.

Credit: Instagram / baron.geisler

Hindi lubos akalain ni Baron na mawawala ang kanyang ina sa puntong iyon habang kinakausap siya na tila hinintay talaga siya nito. Ngunit para sa kanya ay mabuti na lang din dahil mas masakit siguro kung nawala ito nang wala siya sa kanyang tabi.

Ngayong nagbago na siya, labis niyang pinagsisihan ang kanyang mga hindi mabubuting ginawa noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Nalulungkot at nagsisisi siyang hindi naabutan ng kanyang ina ang kanyang ganap na pagbabagong buhay.

Credit: Instagram / baron.geisler

“My dream kasi nung time na yun was for my mom to see me clean… but a lot of people are saying naman na… ang dami naman na nagsasabi ngayon na she’s proud of you now,” saad niya.

Para sa kanya mas maganda pa rin na sana ay nakita talaga ng kanyang ina ang kanyang pagbabago habang buhay pa. Mas magiging masaya sana siya, lalo na at ang kanyang ina ang naging rason niya para magbagong buhay. Ikinalulungkot niya rin na hindi man lang naabutan ng kanyang ina ang anak niya kumpara sa mga apo nito sa kanyang mga kapatid.

Credit: Instagram / baron.geisler

‘May times nga na para akong baliw e. I still say a little shoutout kay mom na ‘Mom, I wish you were here.’ Kasi may baby ako na di niya naabutan, apo niya. Lahat ng mga anak ng kapatid ko naabutan niya. Ako lang yung hindi,” dagdag niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Baron sa Panginoon at hindi siya nito pinabayaan hanggang sa magbago siya. Utang niya dito ang magandang pagbabago sa kanyang buhay, ang kapayapaan at kasiyahan kasama ang kanyang pamilya ngayon.

Leave a Reply