Mga Benepisyo sa Pagtigil ng Pag-inom ng Softdrinks

Ano ang pinakapaborito mong inumin—kape, juice o tea? Pero kung tatanungin ang karamihan, iisa lamang ang magiging sagot—softdrinks. Marami nga sa atin ang talaga namang sarap na sarap sa inuming ito na laging present tuwing kainan. Aminin man natin o hindi, maraming masamang epekto ito sa ating katawan. Samantala, narito ang mga benepisyo ng pagtigil sa pag-inom ng softdrinks.

Credit: Eat This, Not That

1. Mas masisiyahan sa iyong pagkain. Ang softdrinks ay maraming taglay na asukal. Nagtutulak ito na mas kumain ka pa ng matatamis na pagkain, malayo sa pagkain na masustansya at dapat natin kainin.

2. Maiiwasan ang pagkakaroon ng Type 2 Diabetes. Ang palagian at madalas na pagkonsumo ng softdrinks ay magdadala sa iyo na magkaroon ng diabetes. Kung kaya mas makabubuti na iwasan ito.

Credit: Everyday Health

3. Madaling nakapagpapababa ng timbang. Ang paglayo o pag-iwas na sa pagkonsumo ng softdrinks ay magpapababa ng calories na nagreresulta sa pagkakaroon ng “belly fat”. Ugaliin na lamang ang pag-inom ng tubig na mas makakabuti sa katawan.

4. Maiiwasan ang magkaroon ng sakit sa bato. Ayon sa pag aaral noong 2013, nakaiiwas sa pagkakaroon ng sakit sa bato kung iiwasan ang pag-inom ng softdrinks.

Credit: The Independent

5. Malusog na puso. Ang pag-inom ng softdrinks ay masama sa puso, ayon ito sa pag aaral ng Harvard University taong 2012. Maaaring magkaroon ng chronic heart disease ang taong palagiang umiinom ng softdrinks. Kaya mas mainam na iwasan na lamang ito.

6. Pagkakaroon ng magandang ngipin. Ang citric acid na taglay ng softdrinks ay nakasasama sa enamel ng ngipin. Ito ang dahilan ng pagka-sira ng ating ngipin.

Credit: Premier Physicians

7. Magiging matalino. Ang mataas na pagkonsumo ng asukal ay masama sa utak. May softdrinks din na nagdudulot ng sakit ng ulo at insomia. Kung iiwasan uminom nito mas magkakaroon ng maayos na memorya.

8. Nakaiiwas na magbanyo palagian. Ang madalas na pag-inom ng softdrinks ay nagdudulot ng mas maraming pagkakataon na umihi. Kung maiiwasan ang pag inom nito, maiiwasan din ang madalas na pag punta sa banyo para umihi. Makaiiwas din sa sakit na urinary tract infection ang taong hindi umiinom ng softdrinks.

Credit: AARP Org

9. Nagpapalakas ang immune system. Ang taglay na pampatamis ng softdrinks ay masama sa katawan ng tao, kung kaya ang pag iwas dito ay magdudulot ng maayos na immune system.

10. Mas maraming enerhiya. Isa rin sa taglay na sangkap ng softdrinks ay caffeine, na ayon sa eksperto ang sobrang pagkonsumo ng caffeine ay magdudulot ng pakiramdam na pagkapagod.

Credit: Dr. Bryant DMD

11. Masiglang buto. May pag-aaral noong 2014 na masama ang softdrinks para sa mga babaeng nasa “postmenopausal stage” ng 14 na porsyento. Magdudulot ng pagkakaroon ng bali sa balakang ang pagkonsumo ng softdrinks kung kaya’t iwasan ito agad.

12. Mapahaba ang buhay. Hindi ba’t kung iiwasan natin ang higit na pagkonsumo ng softdrinks, mas mapalulusog natin ang ating katawan? Sa ganitong paraan ang pagkakaroon ng mahabamg buhay ay hindi imposibleng mangyari. Palagiang uminom ng tubig, walong beses sa isang araw. Mas makatutulong ito sa atin kaysa sa mga inumin na may artipisyal na sangkap.

Leave a Reply