Albert Martinez, 60, Hindi Isinasara ang Pagkakataon na Umibig Muli

Si Albert Martinez ay kilala bilang batikang aktor sa industriya ng showbiz. Kahit 60 anyos na at maituturing ng senior citizen ay aktibo pa rin ito sa pag-arte. Tila nga hindi naging hadlang ang edad ni Albert dahil mas maraming oportunidad ang nagbukas para sa kanya sa showbiz dahil sa kanyang sunod-sunod na pagganap sa mga teleserye.

Nagsimulang makilala at sumikat si Albert noong 80s kung saan marami siyang pinakilig sa kanyang husay sa pag-arte at kagwapuhang taglay. Siya ngayon ay 40 years na sa showbiz at ipinagdiwang ang kanyang ika-60th birthday noon lamang April 19 na itinuturing niyang bagong yugto ng kanyang buhay.

Credit: Instagram / albertmartinezph

Ngayon ngang senior citizen na siya ay mas naging maingat at maalaga siya sa kanyang sarili. Makikita naman na kahit 60-anyos na ay batang-bata pa rin itong tingnan kumpara sa totoo niyang edad. Marami netizens ang nakapagsabi na mukha lang itong nasa 40s dahil gwapo at maganda pa rin ang kanyang pangangatawan.

Dahil senior citizen na si Albert, inamin niya rin na may mga bagay na siyang hindi kailangan tulad na lamang ng kanyang mga vintage cars na umabot ng 22 piraso na sinimulan niyang kolektahin noon pang 1995. Isama na rin daw ang kanyang mga mamahaling relo, damit, mga sapatos at magtitira na lamang daw siya ng ilan dahil hindi na nagagamit. Sa pagtanda nga ni Albert, mas naging importante na sa kanya ang kanyang sarili kaysa sa mga materyal na bagay.

Credit: Instagram / albertmartinezph

Isa rin sa mga namimiss ni Albert gawin ay ang pagbibisikleta ng malayo mula Quezon City hanggang Laguna na hindi niya na rin nagagawa pa dahil delikado na ito para sa kanya. Itinuon niya na lamang ang kanyang oras sa pag-eehersisyo kapalit ng pagbibisikleta upang mapanatili pa rin ang kanyang fit na pangangatawan.

Naging byudo si Albert noong taong 2015 nang pumanaw ang kanyang asawa na si Liezl dahil sa sakit na cancer. Ang masaya nilang pagsasama ay biniyayaan ng talong anak na sina Alfonso, Alyanna at Alissa Martinez. Ang dalawa niyang babaeng anak ay nakatira na sa America kaya naman si Alfonso na lamang ang madalas niyang kasama sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Credit: Instagram / albertmartinezph

Nito lamang ay nakapanayam siya ni Pia Arcanghel sa Tunay na Buhay bilang isa siyang bagong lipat na aktor sa GMA network na nagmula sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang buhay showbiz ay naitanong rin sa kanya ni Pia ang kung may posibilidad bang umibig siya muli dahil anim na taon na siyang byudo. Sagot naman ni Albert ay hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon muli ngunit hindi niya raw sinasarado ang kanyang puso para rito.

“Mahirap sabihin ayoko na, I’m not closing my door. But as of now, I’m enjoying the company of my grandchildren. They are my life now, my happiness.”

Credit: Instagram / albertmartinezph

Sa ngayon daw ay kuntento at masaya siya para sa kanyang sarili, sa mga naabot niya sa buhay at sa kanyang mga anak. Maayos daw ang kanyang kalagayan at wala siyang anumang pinagsisihan kaya’t masaya siyang nakakapamuhay kahit wala na ang kanyang asawa.

“I am at peace with myself and I am proud of what I’ve accomplish with myself, with my family, with my business and with career. No regrets, no hatred in my heart. I have forgiven those who have done me wrong. No chips on my shoulder.”

Credit: Instagram / albertmartinezph

Samantala, marami namang netizens ang humahanga pa rin sa kagwapuhang taglay ni Albert bukod sa kanyang galing sa pag-arte. Saad nila ay hindi nakakapagtakang magkaroon pa ito ng pangalawang pag-ibig dahil gwapo at mabuti naman itong tao.

Sa kasalukuyan ay abala si Albert sa kanyang bagong teleserye sa GMA network na malapit ng ipalabas, ito ay ang Las Hermanas kung saan ay makakasama niya sila Yasmin Kurdi, Thea Tolentino at Faith Da Silva.

Leave a Reply