Herlene “Hipon”, Nakatanggap ng 100k na Regalo Mula kay Wilbert Tolentino

Bongga at tumataginting na 100k ang natanggap ng tv host na si Herlene Budol o kilala sa bansag na “Hipon”. Naganap ito ng mag-guest si Herlene sa Youtube vlog ni Wilbert Tolentino kung saan naglalaro sila ng isang game na tinawag nilang “pera o kaldero”.

Sa una ay katuwaan lamang ang nasabing palaro pero hindi inaasahan ni Herlene na magiging totoo pala ito at mabibigyan siya ng halagang 100k. Sa unang bahagi ng vlog ni Wilbert ibinunyag nitong lahat ng makikitang kaldero sa vlog ay bokya. Dahil ang twist, lahat ng ito’y wala palang laman pero sa huli naman ay may sorpresa siya kay Hipon.

Credit: Youtube / Wilbert Tolentino

Nang pumasok na si Herlene sa eksena, masaya ito at high energy pa nga na bumati pero hindi nito alam na kahit isa sa mga kaldero ay wala naman talagang nakalagay na halaga.
Biro ni Herlene kay Wilbert para umano itong si Kuya Wil at mukhang may pa-jacket pa. Sagot naman ni Wilbert na hindi lamang jacket kundi 100k ang papremyo sa naturang palaro.

Credit: Youtube / Wilbert Tolentino

Pinili ni Herlene ang numero 8 na kaldero, aniya birthday ito ng kanyang ama. Tinanong naman ni Wilbert si Herlene kung saan niya ito gagamitin kung sakaling manalo siya ng 100k, sagot ni Herlene gusto umano niyang magsimula ng sariling negosyo na “budol t-shirts”. Gayundin ang magkaroon ng negosyo ang kanyang ama na gustong magkaroon ng tindahan ng feeds, dog food at pagkain ng kalapati dahil mahilig ito rito.

Credit: Instagram / herlenehipon

Naunang nabuksan ang kalderong may numerong 3, 10, 2, 4 ,7, 5, 1 at 9, tila nagduda naman si Herlene at sinabing parang wala naman laman ang bawat kalderong naroroon.
Tuwang-tuwa naman si Herlene na ang numerong 6 at ang napili nitong numero na 8 nalang ang natitira.
Dahil rito nagsimula na ang piliian kung pera o kaldero, unang offer ay 10k at 20k, biro ni Harlene, mayaman naman daw si Wilbert kaya kung paabutin nito ng 200k ang offer ay magpe-pera na siya.

Credit: Youtube / Wilbert Tolentino

Nagdalawang-isip naman ito ng tumaas ang offer sa 30k hanggang 50k, pinili nito ang pera pero kalaunan ay nagbago ang isip at pinili pa rin ang kaldero kahit na umabot ng 65k ang offer ni Wilbert. Dismayado naman ito ng bokya pala ang laman ng napili niyang kaldero na numero 8 at maging ang natitirang kadero na numero 6. Tawang-tawa naman si Wilbert sa naging reaksyon ni Hipon sa natuklasan nito.

Inamin naman ni Wilbert na prank lang ito at inilabas ang kaldero na may lamang 100k, aniya ibibigay naman talaga niya ito may game o wala bilang tulong kay Herlene dahil sa napanuod nitong interview ni Tony kay Herlene. Sinabi naman ni Herlene na may patutunguhan ang ibinigay ni Wilbert na pera sa kanya.

Leave a Reply