Paggamit ng Baking Soda at Kamyas Bilang Natural na Pampaputi ng Ngipin

Kadalasang problema ng ilan sa atin ang pagkakaroon ng madilaw na kulay ng ngipin, ito’y sa kabila ng araw-araw na pagsesepilyo. May mga tao ngang sadyang nagkakaroon ng madilaw na ngipin kahit pa nga palagian namang nagsesepilyo o may tamang “oral care routine”.

Ilang indibidwal naman ang walang gaanong kakayahan upang palagiang komunsulta sa dentista at makapagpalinis ng mga ngipin. Ang tamang paglilinis at pangangalaga dito ay makapagpapaiwas sa atin na magkaroon ng bulok at sirang ngipin. Naririto naman ang ilan sa home remedies at tipid hacks upang mapatibay at mapaputi ang ngipin.

Credit: Pinterest / Good Housekeeping

Isa sa sikat na pamamaraan ng pagpapaputi ng ngipin ay ang paghahalo ng baking soda at tubig upang makagawa ng toothpaste na gagamitin sa pagsesepilyo. Ang taglay nitong alkaline at asin ang nakatutulong na matanggal ang mantsa sa ngipin sanhi ng pagkain tulad na lamang ng kape.

Kung isa ka sa nagtatanong kung maaring alisin ng baking soda ang mantsa sa ngipin sanhi ng paninigarilyo, ito ang kasagutan. Ang sagot ay oo, may mga artikulo na nagsasabi na ang baking soda na may kaunting patak ng peroxide ay makapag aalis ng nicotine sa ngipin na dulot ng paninigarilyo. Payo din ng mga eksperto, nakaiiwas sa mantsa dulot ng nicotine ang isang tao kung titigil na sa paninigarilyo.

Credit: Pinterest / Thank Your Body

Samantala may ilang indibidwal naman ang gumagamit ng baking soda na hinahaluan ng kalamansi o lemon juice. Ngunit sinasabi na ang paggamit nito ay makasasama sa paligid ng ngipin dahil sa acid na taglay ng kalamansi o lemon.

May mga indibidwal rin na gumagamit ng kamyas upang mapabuti ang ngipin, kinikiskis nila ito sa ngipin. May mga ulat din na ang pagkain ng kamyas ay mabisang gamot sa masakit na ngipin at pwedeng alternatibong gamot.

Credit: Pinterest / Love Food Eat

May ilang paalala naman ang eksperto sa paggamit ng baking soda sa pagpapaputi ng ngipin. Ayon sa kanila maaring maging remedyo ang paggamit nito ngunit ilang beses lamang sa loob ng isang linggo at hindi araw-araw.

Mas mainam din umanong kumunsulta muna sa dentista bago gumamit ng mga home remedy sa pagpapaputi ng ngipin. Tunay nga naman na makatutulong ang mga simpleng pamamaraan na ito sa ating pamumuhay ngunit dapat din isaalang- alang ang kaligtasan bago ito gamitin.

Leave a Reply