Lovely At Benj Manalo, Nabago Ang Takbo Ng Buhay Dahil Sa Online Selling

Simula nang nagkaroon ng pandemic, kinailangan dumiskarte ng karamihan dahil lahat ng industriya ay naapektuhan. Marami ang nagsara pansamantala at isa na rito ang industriya ng showbiz lalo ang noontime show sa GMA network na kinabibilangan ni Lovely.

Hindi pinalagpas ni Lovely ang pandemic at hintayin pang matapos ito. Nagsimula siya sa pag-o-online selling kung saan madalas siyang mag-live sa facebook nakaraang taon para magbenta ng bags at damit. Nang maramdaman ang suporta mula sa mga kakilala at ibang tao kinareer pa niya lalo ang pagbebenta. Aniya marami daw ang gustong magpabenta ng gamit sa kanya na hindi niya tinanggihan at lumago ito ng lumago.

Credit: Instagram / lovelyabella_

Ibinahagi din niya sa pamamagitan ng Instagram post noong Marso ang bago niyang achievement bilang isa na siyang CEO sa kompanyang Lovely Cosmetics PH. Marami ang namangha at maging siya ay hindi makapaniwala na nakamit niya ang mga ito.

Credit: Instagram / lovelyabella_

Nasundan ito ng susunod na post noong June 10 lamang na ipinakita ang kanilang dream house kasama ang kaniyang asawa na si Benj Manalo (anak ni Jose Manalo). Makikita sa post niya na sobra ang pasasalamat niya sa Panginoon at ang pagiging proud niya sa online sellers. Nag-iwan siya ng mensaheng “Lahat ay isang pangarap na tinupad mo Lord, ngayon palang nag-sink in sa akin na totoong nangyayari lahat ng ‘to sa aming pamilya.”

Credit: Instagram / lovelyabella_

Ibinahagi niya na dahil sa pag-o-online selling nakaipon sila para maipundar ang kanilang pangarap na bahay at sasakyan. Nabanggit din niya na pinangalanan niya pang Mic-Mic ang saksakyan mula sa word na pandeMIC.

Para sa kanya, kailangan ng sipag, tiyaga at diskarte para makamit ang pangarap na pamumuhay. Walang imposible pagdating sa mahilig mangarap “grabe maniwala kayo walang impossible lalo na sa katulad kung mahilig mangarap,” dugtong na mensahe nito.

Credit: Instagram / lovelyabella_

Matatandaan na dating sikat na dancer si Lovely sa dating noontime show ni Willie Revillame at hanggang ngayon hindi nakakalimutan ang kapwa niya dancers, ipinakita nila ang suporta at pagiging proud nila sa mga nakamit ng dati nilang katrabaho.

Sa kabilang banda, kitang-kita naman ang pagiging supportive husband ni Benj Manalo at nag-iwan siya ng komento sa post ni Lovely, sinulat niya “Lets go, baby! Trabaho pa tayo hahaha love you congrats sa ‘tin! And sa buong team na nakapaligid satin! Para satin ‘to!” Isa pang secret ingredient ng kanilang buhay para makamit ang gusto nila ay ang pagiging supportive sa isa’t isa.

Credit: Instagram / lovelyabella_

Matatandaan na ikinasal ang dalawa noong January 2020 lamang sa Quezon City matapos ang anim (6) na taon nilang magkasintahan. Napag-alaman na niregaluhan siya ni Kathryn Bernardo ng wedding dress na suot-suot niya sa kanyang kasal. Tunay na maswerte sa mga kaibigan, asawa na mapagmahal at malapit sa Diyos ang isang Lovely Abella.

Leave a Reply