Babaeng Pinaglihian ang Pagkain ng Sabon, Ipinagpatuloy Pa Rin ang Pagkain Nito Pagkatapos Manganak

Tuwing nagbubuntis ang isang babae normal lamang na dumanas ito ng paglilihi sa isang pagkain. Madalas nga na paglihian ng mga buntis ay ang pagkain ng maasim na mangga o di kaya ay matatamis na pagkain. Ang ilan naman ay pinaglilihian ang magagandang bagay tulad na lang ng manika dahil sa paniniwala na kapag pinaglihi mo ang anak mo sa magandang bagay ay magiging maganda rin ito.

Mayroon namang mga paglilihi na kakaiba kung maituturing tulad nalang ng pagkain ng ice cream na may kasamang ketchup. Ngunit ibahin natin ang paglilihi ng babaeng ito mula Indonesia. Imbis na maglihi sa mangga o sa kakaibang kombinasyon ng pagkain, ang pinaglihian niya lang naman ay ang pagkain ng sabon.

Credit: Instagram / khosikmubarok

Si Khosik Assyifa ay mula sa probinsya ng East Java kung saan nga ay pinaglihian niya ang sabon noong nagbubuntis pa lamang siya. Hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng kakaibang paglilihi at pagkagusto sa pagkain ng sabon. Nagsimula lamang ito noong aksidente niyang natikman ang sabon na gamit niya habang naliligo. Dahil sa mala-prutas na lasa ng sabon ay tinikman niya pa ito lalo at doon na nga nagsimula na paglihian niya na ito at laging kainin.

Ayon kay Khosik hindi kailanman sumama ang pakiramdam niya o sumakit ang tiyan noong mga panahon na kumakain siya ng sabon habang buntis siya. Laking pasasalamat niya rin na hindi ito nakaapekto sa kanyang anak dahil normal at wala itong sakit noong ipinanganak niya ito at magpasa-hanggang ngayon ay malusog naman ang kanyang anak.

Credit: Instagram / khosikmubarok

Ngayon ay 21 years old na si Khosik at inaamin niya na noong una ay nahihiya siya sa kanyang ginagawa kung kaya’t tinatago niya pa ito sa kanyang asawa at palihim lamang na kumakain nito.

Ngunit ang kanyang paglilihi ay hindi lang basta natapos noong nanganak na siya, hindi katulad ng ibang nagbuntis. Matapos niya ngang manganak ay akala ni Khosik ay hindi na siya ulit kakain ng sabon at hihinto na siya subalit nagulat siya sa kanyang sarili dahil gusto niya pa rin daw kumain nito at patuloy niya pa ring ginagawa ngayon.

Credit: Instagram / khosikmubarok

Nito nga lang ay nag-viral ang video na pinost ni Khosik na kumakain ng sabon. Ang videong ito ay tila review vlog sa isang brand ng sabon ngunit sa pamamagitan ng pagtikim, pagsipsip at pagkain dito. Ang vlog ay ikinagulat ng marami na umani ng mahigit 270k views sa Instagram.

Makikita sa Instagram account ni Khosik ang ilan sa kanyang mga video ng pagkain ng sabon at ilan pang sabon na nais niyang tikman at gawan ng video. Makikitang masaya at nasasarapan si Khosik sa kanyang kinakain na sabon na parang totoo talaga itong pagkain at pwedeng kainin ng kahit sino.

Credit: Instagram / khosikmubarok

Ngunit ang sabon ay hindi tamang pagkain at hindi nararapat na kainin ng kahit sino man dahil naglalaman ito ng mga kemikal na makakaapekto sa katawan. Ang tamang gamit sa sabon ay panglinis sa katawan at hindi pagkain na parang ice cream bar lang.

Credit: Instagram / khosikmubarok

Maaring wala itong epekto sa ngayon kay Khosik at hindi niya pa nararamdaman ang masamang epekto nito sa kanyang sarili. Subalit maaaring dumating ang panahon na sa dami na ng sabon na kanyang natikaman at nakain ay magdulot na ito ng sakit sa kanya.

Leave a Reply