Pabago-Bago at Masamang Panahong Nararanasan ng Bansa, May Koneksyon sa mga Sanggre

Isang kakaiba at kakatwang tuksuhan nga ang naganap sa social media dahil sa pag-uugnay ng mga Sanggre sa masamang panahon na naranasan ng bansa. Ang mga Sanggre ay ang mga sikat na karakter sa hit show ng GMA Network na Encantadia. Ang naturang mga Sanggre ay may kanya-kanyang kapangyarihan at lakas.

Credit: Instagram / GMA Artist Center

Una ay si Pirena (Glaiza De Castro), panganay sa magkakapatid at kalaunan ay naging kaaway ng kanyang mga kapatid, apoy ang taglay nitong kapangyarihan. Si Amihan (Kylie Padilla), ang nahirang na reyna at pangalawa sa magkakapatid, nagtataglay siya ng kapangyarihan ng Hangin. Sunod ay ang karakter ni Sanya Lopez na si Danaya na may kapangyarihan ng lupa. At ang panghuli ay si Alena ( Gabni Garcia), na may kapangyarihan ng tubig.

Credit: Instagram / ajaabrenica

Nag-ugat ito sa isang netizen na nagbiro sa kanyang social media na kalaunan ay naging viral at nagbigay ng good vibes sa maraming netizens. Ito ay sa kabila ng naranasan nating magkakasunod na ulan at pagtama ng lindol sa ilang bahagi ng Pilipinas.

“Masaya ka na ba Aljur Abrenica na kami ang nagdudusa sa galit ni Amihan at ng kanyang mga kapatid. Hangin para kay Amihan, ulan para kay Alena at pati si Danaya di nagpahuli, lumindol na! Wag mong antaying si Pirena ang magalit, tigilan mo yang pambababae mo,” ani ni Jolina Do.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Maraming netizens naman ang natawa at kwelang nakipagbiruan sa post na ito ni Jolina. Karamihan sa mga ito ay mga tagasubaybay ng palabas ng Encantadia at umaasang maipalabas muli ito sa Kapuso GMA Network. Kaugnay nga ng post na ito ang bali-balitang hiwalayan ng aktres na si Kylie Padilla at ang asawa nitong si Aljur Abrenica. Ayon sa balita, babae o third party umano ang dahilan ng hiwalayang Kylie at Aljur. Kamakailan lang ay kinumpirma ng aktres na si Kylie ang hiwalayan nila ni Aljur.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on”. Sa kabila ng pag-amin ni Kylie, tikom naman ang bibig ng kampo ng aktor sa isyu ng hiwalayan. Maglalabas na lamang umano ng statement ang actor kaugnay rito sa tamang oras.

Samantala lumipat na ng ibang bahay ang aktres na si Kylie kasama ang mga anak nito. Maraming netizens ang nagpahatid ng suporta kay Kylie sa naging aksyon nito. Marami man ang nanghihinayang, umaasa pa rin ang ilang fans ng mag-asawa na maayos pa rin nila ng kanilang relasyon para sa mga anak nito.

Leave a Reply