Kilalanin Ang Babaeng May Pinakamalaking Bibig Ayon Sa Guinness World Records

Ang bawat tao sa mundo ay ipinanganak na may ibat-ibang karakter at talento, kung saan ay pwede kang makilala at maipagmalaki. Ngunit hindi lahat ay biniyayaan ng kakaibang karakter kung saan ay bihira lang makita at nakakabilib kung titingnan tulad na lang ng isang TikTok Star na nakilala sa pagkakaroon niya ng malaking bibig.

Sa panahon ngayon na halos pinapagalaw na ng internet at social media ang mundo, marami nang nagsilabasang social media stars dahil sa pagiging viral o dahil sa talento. Isa nga sa pinakasikat na social media platform ngayon ay ang Tiktok kung saan nakilala si “Samantha Ramsdell”.

Credit: Guinness World Records

Si Samantha ay 31 years old na dalaga na nakatira sa Connecticut. Isa siyang Tiktok Star na may 1.7 million followers, kung saan ipinapakita niya ang kanyang talento sa pagpapatawa at nagbabahagi rin ng ilang parte ng kanyang buhay. Ngunit bukod sa pagiging sikat sa TikTok ay tinagurian din siya ng Guinness World Records bilang ‘The world’s largest mouth gape for a female’.

Biniyayaan si Samantha ng napakalaking bibig na sumusukat ng 6.56 sentimetro o halos dalawa’t kalahating pulgada at kung susukatin ito pahaba ay umaabot naman sa sampung sentimetro o apat na pulgada. Sa laki ng kanyang bibig ay kayang magkasya dito ang isang green apple o regular na mansanas.

Credit: Guinness World Records

Bata pa lang si Samantha ay napansin niya ng malaki ang kanyang bibig kumpara sa ibang tao. Dahil dito ay madalas rin siyang tuksuhin ng ibang bata at tawaging ‘big bass mouth’.

“Something that really I was insecure about, something that I wanted to keep so small, but it’s now one of the biggest, best things about me,” aniya sa isang panayam.

Credit: Instagram / samramsdell5

Noong bata pa siya ay aminadong ayaw niya sa malaki niyang bibig at naiinggit sa ibang bata na may normal na laki lamang ng bibig. Ngunit habang siya ay lumalaki ay natutunan niya na rin itong tanggapin at mahalin, na imbis na tingnan ito bilang pangit na parte ng katawan niya ay ginamit niya ito upang magbigay inspirasyon sa ibang tao na maging masaya sa kung ano ang ibinigay ng Diyos.

“If I had advice for anyone who had a large body part, or something really unique, and they wanted to go for the Guinness World Records title, I would say do it! Do it proud and make it your biggest asset. It’s your superpower, it is the thing that makes you special and different from everyone else walking around.”

Credit: Instagram / samramsdell5

Bago naging Tiktok Star si Samantha ay umaarte siya sa mga teatro bago nagkaroon ng pandemya. Bukod sa kanyang malaking bibig ay may talento rin si Samantha sa musika, siya ay magaling sa pagkanta at marunong rin sa pagtugtog ng piano. Ipinapakita niya rin ang talento niyang ito sa TikTok na kinabibiliban rin ng marami.

Masaya si Samantha sa pagtanggap sa kanya ng marami, lalo na sa pagtanggap niya sa kanyang sarili. Isa sa pinaka-importanteng bagay sa mundo ay pagtanggap at pagmamahal natin sa ating sarili. Ano mang kaibahan natin sa ibang tao ay dapat hindi ito ikahiya, sa halip ay gamitin sa magandang bagay tulad ni Samantha.

Credit: Instagram / samramsdell5

“My mouth has set me apart from the other millions of comedians, singers and all these other creators. I never thought that it would be possible to be this famous off my mouth, but it’s incredible. It’s really really cool,” sabi pa niya.

Si Samantha ay nagsilbing magandang halimbawa sa marami at nagbigay rin ng inspirasyon. Hindi man tayo ipinanganak na perpekto, ang kapintasan o kaibahan naman natin ay pwedeng gawin na magandang parte ng ating buhay, na tutulong upang magtagumpay at maging masaya tayo sa buhay.

Credit: Instagram / samramsdell5

Ika nga ni Samantha, “If you’re always trying to be normal… you’ll never know how amazing you can be.”

Leave a Reply