Pagiging trending o pagsikat online ang pinapangarap at hinahangaan ng karamihan dahil nagbubukas ito ng maraming oportunidad para makaangat sa buhay. Gaya na lamang mga vloggers na talagang binibigyan ng effort ang content ng kanilang videos. Kung ating maalala, isa si Badjao Girl o Rita Gaviola sa totoong buhay na nag-trending sa stolen shots dahil sa taglay niyang kakaibang ganda.
Siya ay kabilang sa mga namamalimos sa lansangan noon para may makain sila sa araw-araw. Napansin ng netizen ang natural na ganda ng dalaga na hindi daw inakala ni Rita na siyang magpapabago ng buhay nila. Noon, isang beses lang daw sila kumakain sa araw-araw at kailangan pa niyang mamalimos para may maitulong sa pamilya.

Ngayon, nakikita na ang bagong Rita Gaviola na kung saan maraming nag-o-offer sa dalaga na pumasok sa mundo ng modeling. Hindi maipagkakaila ang taglay nitong pisikal na katangian at maamong mukha, pasado siya para sa standard beauty sa modeling. Gayumpaman, naisaliwalat niya na tinatanggihan niya muna ang pagpasok sa mundo ng modeling dahil gusto niyang mag-focus sa kaniyang pag-aaral.

Ayon sa kanya, ito raw kasi ang matagal na niyang gustong gawin, ang magtapos sa pag-aaral at maging huwarang guro na hindi niya matutupad kung siya ay nasa lansangan pa hanggang ngayon. Kaya naman, ganun na lang ang pagpapahalaga niya na unahin muna ang pag-aaral. Ito ang nakikita niyang magiging daan para mas mabigyan pa niya ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. Gusto niyang turuan ang kapwa niya Badjao pagdating sa kahalagaan ng edukasyon at magkaroon ng kaalaman sa buhay.

Malaki ang nabago sa buhay nila dahil sa viral picture. Mayroon na rin silang sariling tahanan kung saan kumakain na sila ng tatlong (3) beses sa isang araw. Hindi na rin niya kailangan mamalimos sa mga tao para lang may makain. Sa pag-angat niya sa buhay ay hindi na kinakalimutan ang kaniyang pinanggalingan. Ayon sa kanya, pangarap niya ang makatulong sa mga Badjao kaya hinihikayat niya ang mga ito na huwag maliitin ang sarili. Naroon din ang pagrepresenta niya sa indigenious tribe sa pamamagitang ng pagsuot sa tradisyonal nilang kasuotan base sa isang post ni Rita.

Nabuksan din ang oportunidad na pasukin ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN at kinilala bilang pinakabatang contestant sa edad na 13. Mayroon na rin siyang sariling youtube channel at naging active sa kaniyang Instagram account para sa mga fans.