Sampung Taong Gulang Na Bata, Tumayong Magulang Sa Mga Kapatid Pagkatapos Iwan Ng Ina

Ang mga bata ay madalas na makitang naglalaro at nag-aaral bilang sila ay nasa murang edad pa lamang at isa ito sa kanilang mga karapatan bilang bata. Nararapat na sila ay nagsasaya pa lamang at malayo pa sa mabibigat na responsibilidad ng totoong mundo.

Ngunit sa murang edad isang batang babae ang hindi inaasahang mayroong mabigat na responsibilidad sa buhay, tulad ng pagtatrabaho upang kumita at tumayong magulang para sa mga kapatid nito.

Credit: The Most Popular Lists

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nararanasan na ng batang si ‘Xiao Ying’ ang bigat ng pagiging isang magulang. Nakakalungkot mang isipin ay napilitan siyang magbanat ng buto sa murang edad upang mabuhay siya at kaniyang mga kapatid.

Ang batang si Xiao Ying ay sampung taong gulang na nakatira sa maliit na baryo ng Nantang sa Ghaozhou, China. Bilang panganay ay napilitan siyang tumayo bilang ama’t ina sa kaniyang dalawang nakababatang kapatid nang pumanaw ang kanilang ama at iwan sila ng kanilang ina.

Credit: The Most Popular Lists

Bata pa lamang ay marami na siyang kalungkutan at paghihirap na dinanas, kumpara sa mga batang kaedad niya lamang. Imbis na naglalaro si Xiao Ying ay nagtatrabaho siya at nag-aalaga ng mga kapatid at nag-aasikaso rin sa kanilang tahanan. Nakakalungkot na maagang kinuha ng mabigat na responsibilidad ang kaniyang pagiging bata, imbis na siya ay nagsasaya kasama ang mga kalaro at kaedad ay malayo ang nangyari.

Subalit sa kabila ng mabibigat na responsibilidad na ito at mga suliranin niya sa buhay ay nakakabilib na ipinagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at nagpupursige upang makapagtapos balang araw kasama ang kaniyang mga nakababatang kapatid.

Credit: The Most Popular Lists

Sa katunayan, nais sanang ipaampon ng tiyo ni Xiao Ying ang dalawa niyang batang kapatid ngunit ayaw niyang malayo sa mga ito. Tinanggihan niya ang alok ng kaniyang tiyuhin at minabuti na lamang na tumayo bilang mabuting magulang sa kanila at panindigan ito.

Batid niyang mahirap maging isang magulang ngunit determinado siyang mapanatili ang kaniyang natitirang pamilya. Para kay Xiao Ying mas mabuting naghihirap siya kaysa malayo sa kanila at maging mag-isa sa buhay.

Credit: The Most Popular Lists

Maraming netizens ang humanga sa nakakabilib na pag-uugali ng batang si Xiao Ying, kaya naman siya ay umani ng maraming papuri sa mga ito.

“Godbless sayo baby girl, sana may tamang tao na makakatulong sa inyo ng mga kapatid mo.”

“Pagpalain ka ng Panginoon at gabayan ka para sa iyong mga kapatid.”

“Wag kang sumuko, may awa ang Diyos at makakaraos ka din.”

Credit: The Most Popular Lists

“Sana lahat ng kapatid katulad mo, nakakaproud ka.”

“Balang araw gaganda ang buhay mo ineng, tama yang ginagawa mo kapit lang.”

Tunay na kahanga-hanga ang batang si Xiao Ying. Isa siyang magandang halimbawa sa mga kapwa niya bata at aral rin sa mga matatanda at magulang sa mundo.

Leave a Reply