Si Beth Tamayo ay dating aktres na sikat noong 1990s. Ikinasal siya sa kanyang long-time boyfriend na si Adam Hutchinson na ibinahagi niya sa kanyang Instagram post noong March 3, 2021.
Dahil sa pandemya ay simpleng kasalan lamang ang naganap dahil sa mga ipinapatupad na health protocols. Sa kabila ng pagiging simple ay hindi naman maitatanggi na sapat na ito para sa mag-asawa at masaya sila sa nangyaring simpleng kasal sa Amerika. Ang importante para sa kanila ay naipangako na nila sa Diyos ang kanilang pag-iibigan.

Maliban sa balitang kasal na siya, ang ikinagulat rin ng marami ay nang ibalita ni Beth na siya ay magkakaroon na ng anak sa kabila ng kanyang edad. Sa edad na 43 years old, mahirap na para sa isang babae ang magdalang-tao ngunit dahil sa tulong medikal at siyensya ay posible na ito ngayon.
Ibinahagi ni Beth sa kanyang mahabang Instagram post na dumaan siya sa proseso na tinatawag na “In Vitro Fertilization” o mas kilala nga bilang IVF. Ito ay isa sa pinakakilalang medikal na proseso na tumutulong sa mga mag-asawa na gustong magkaanak ngunit nahihirapan nang makabuo.

“Bout time to tell the world that WE ARE PREGNANT! It wasn’t an easy road getting here but boy it was worth it!”
Hindi naging madali para kay Beth ang pinagdaanan upang magkaanak. Dumaan siya sa maraming proseso kung saan ay masasabing magastos rin. Isa itong malaking desisyon para sa kanilang mag-asawa at talaga namang pinag-isipan nilang mabuti.

Madalas na bumibisita si Beth sa clinic upang matingnan ang kanyang kondisyon, at halos araw-araw rin na sumasailalaim sa mga injections na tumutulong upang masiguro na malakas ang kanyang pangangatawan at handa sa proseso ng IVF.
Nagpasalamat rin si Beth sa mga taong nakasama niya at sumuporta sa kanyang motherhood journey, kabilang na ang mga doktor at nurse na nag-asikaso sa kanyang pinagdaanang proseso. Masaya siya sa malaking tulong na naibigay ng mga ito sa kanya dahil isa sila sa mga nagpalakas ng kanyang loob para magpatuloy, at ngayon nga ay tagumpay na ang kanyang pagkakaroon ng anak.
“IVF is never an easy path but so thankful for my team!”

Bilang isang babae na nasa edad na, nakakapagod para kay Beth ang paulit-ulit na bumalik sa clinic kaya’t nagpapasalamat siya sa kanyang asawa na lagi siyang sinasamahan sa kanyang IVF appointments at hindi nagsasawang ihatid-sundo siya.
“To my hubby for being an awesome partner! from day one, even if he can’t physically go inside the clinic (Covid protocol) to hold my hand and make sure I’m fine, he’s been there for me driving me to all of my appointments and just making sure I’m feeling great. The guy who’ve perfected the “art of giving shots” and cheered me on every night. Telling me that I’m such a badass for going through all of this! Thanks Babe!”

Makikita naman sa mag-asawa ang kagustuhan nilang magkaanak. Ang pagkakaroon ng isang anak ay malaking bagay para sa mag-asawa. Sabi nga ng ilan, hindi daw maituturing na pamilya ang isang pamilya kung wala itong anak.
Mahirap man ang pinagdaanan ni Beth, wala naman ito kumpara sa saya na naibigay sa kanya ng pagkakaroon ng anak. Isang malaking regalo para sa kanilang mag-asawa ang anghel na parating sa kanilang buhay at tiyak na mamahalin nila ito ng lubos.