Pauline Mendoza, Nobya Ng Pinakabatang Mayor Sa Pilipinas Na Si Bryan Celeste

Si Pauline Bianca Cruz Esquieres o mas kilala sa screen name na Pauline Mendoza ay isang 21 years old na aktres ng GMA Network. Gumanap na siya sa ibat-ibang teleserye ng GMA ngunit mas nakilala siya ng gampanan niya ang karakter ni ‘Crisel’ sa hit teleserye na Kambal Karibal.

Masasabing isa si Pauline sa rising star ng GMA Network. Nito lamang ay gumanap rin siya sa noontime teleserye na “Babawiin Ko ang Lahat” kung saan siya bumida kasama ang mga batikang aktor at aktres na sina John Estrada at Carmina Villaruel.

Credit: Instagram / paulinemendoza_

Bukod sa magandang showbiz career ni Pauline ay mayroon rin siyang magandang love life. Nobyo lang naman niya ang tinuturing na pinakabatang Mayor ng Pilipinas na si Mayor Arth Bryan C. Celeste o mas kilala bilang “Mayor Bry”.

Ang pagseserbisyo sa bayan ay hindi madaling trabaho, katulad na lamang ng pagiging Mayor, kaya naman maraming netizens ang nagulat at namangha na ang Mayor pala ng Alaminos City, Pangasinan ay nagsimulang magserbisyo noong 22 years old pa lamang siya. Bago pa man naging Mayor si Mayor Bry ay naging Barangay Captain muna siya ng isang barangay. Nakilala rin siya bilang anak ng dating Mayor na si Arthur Celeste.

Credit: Instagram / paulinemendoza_

Kahit bata pa ay kinabibiliban naman si Mayor Bry ng kanyang mga kababayan dahil sa kanyang maagap at epektibong serbisyo. Maganda daw ang kanyang pamamalakad sa bayan ng Alaminos, kung kaya marami rin ang nagulat na ang abalang tao na tulad niya ay may nobya pa lang aktres.

Sinasabing ang relasyon ng dalawa ay LDR o Long Distance Relationship, sa kadahilanang nagtatrabaho bilang Mayor ng Alaminos, Pangasinan si Mayor Bry habang taga Marikina naman ang aktres na si Pauline. Gayunpaman, hindi naman naging hadlang ang pagiging malayo nila sa isat-isa at sa halip ay mas naging matatag pa.

Credit: Instagram / paulinemendoza_

Bilang may kanya-kanya silang karera sa buhay at may magkaibang prayoridad, ay naiintidihan ng dalawa ang takbo ng kanilang relasyon. Hindi man sila katulad ng ibang magkarelasyon na maraming oras para sa isat-isa ay hindi nila ito pinag-aawayan sa halip nga ay sinusuportahan pa nila ang isat-isa.

Nito lamang ay pinagdiwang ni Mayor Bry ang kanyang 25th birthday kung saan ay binati siya ng kanyang nobya na si Pauline sa Instagram ng magpost ito ng larawan nila na may kasamang caption:

Credit: Instagram / paulinemendoza_

“Happy 25th to the most special man that gives me all the feels all the time. You’ve been my safe space and guiding light through all the tough days this past year. Love you. Happy birthday!”

Bukod sa pagiging aktres ni Pauline ay tumutulong rin sya sa pagseserbisyo ng kanyang nobyo bilang pagsuporta dito. Madalas siyang pumunta ng Alaminos para makasama ang kanyang nobyo at tumulong na rin sa kanyang mga community projects tulad na lamang ng community pantry na inilunsad nito.

Credit: Instagram / paulinemendoza_

Mapapansin nga ang pagsuporta ni Pauline sa kanyang nobyo na makikita sa kanyang mga Instagram post na madalas na may caption na “Proud of this guy”. Hindi maipagkakaila ang pagmamahal at ang suporta niya sa tinaguriang Pinakabatang Mayor ng Pilipinas.

Hindi rin naman nagpapahuli sa pagsuporta si Mayor Bry sa kanyang nobya na madalas ring magpost sa Instagram na may mga caption tulad ng:

“I’ll just be here supporting you.”

“I’ll always be your greatest fan.”

Credit: Instagram / paulinemendoza_

Maraming natutuwa sa magandang relasyon na ipinapakita ng dalawa dahil nakakabilib ang pagiging suportado nila sa isat-isa sa kabila ng LDR relationship at magkaibang career.

Ipinakita lamang nila na walang relasyon ang di kayang magtagumpay bastat nagkakaintindihan, may suporta at syempre may pagmamahalan. Hindi hadlang ang malayong distansya at magkaibang prayoridad kung determinadong panatilihin ang magandang rel

Leave a Reply