Gulat na gulat at sobrang nasorpresa ang mahal na ina ni Meme Vice Ganda sa sorpresa niyang bahay. Sobra nga ang pagkagulat ng ina ni Meme Vice sa regalo nito sa kanya na hindi nito inaasahan. Ang akala ni Nanay Rosario Viceral ay simpleng selebrasyon lamang at kakain lamang sila.

Naganap ito ng ipagdiwang nila ang kaarawan ng kapatid ni Meme Vice na si Dra. Tina Viceral. Laking gulat ng nanay ni Meme Vice ng mabasa nito ang nasa bungad ng pinasukan nilang bahay na may nakasulat na “Welcome to your new home, Viceral family.” Hindi makapaniwala ang ina ni Meme Vice na nagkomento pa nga na baka prank na naman ang ginawa ng tv host/comedian.

Kilala si Vice sa mga prank at biro nito kaya hindi nakakapagtaka na akalain ng ina nito na isa na naman itong prank. Sagot naman ng Meme Vice, “Hindi ‘to prank! Ang mahal ng binayad ko dito!” Naiiyak pa nga ang ina nito habang kinukuhanan ng litrato at iniaabot ni Vice ang mga susi ng bahay na may pitong kwarto at swimming pool.

Tawang-tawa naman ang iba pa nitong kasama dahil tila hindi pa din naniniwala ang nanay ni Meme Vice. Nagbiro din ang kasintahan ni Meme Vice na si Ion na kung isang prank ito ay napakamahal para maging isang biro. Tuwang-tuwa rin ang pamangkin ni Vice at niyakap pa ito at nagpasalamat. Hindi rin makapaniwala ang kapatid nitong si Dra. Tina Viceral at sinabing best gift ever ang binigay ni Vice sa kanyang kaarawan.

Tawang-tawa naman si Meme Vice dahil kahit nilibot na nila ang bahay ay inaakala pa din ng ina nito na niloloko lamang siya at panay pa nga ang bulong nito sa kanya. Ani ng nanay ni Meme Vice, isang turbo lang umano ang hiniling niya pero bahay ang ibinigay ni Vice. Malambing na tugon naman ang sinabi ni Meme Vice sa ina na hindi lamang isang turbo ang nararapat sa kanyang ina dahil precious ito para sa kanya. Gusto umano niyang maranasan ng pamilya niya ang lahat ng komportableng bagay dahil ganon sila kahalaga sa kanya, at ito ang dahilan kung bakit siya nagsisikap.

Ani ni Meme Vice na sana ay madami ang makaranas ng komportableng buhay para sa kanilang pamilya. Kasama sa mahalagang pangyayaring ito ang malalapit na kaibigan at pamilya ni Meme Vice. Makikita rin sa video na mga simpleng putahe at Pinoy delicacies ang pinagsaluhan ng pamilya nina Meme Vice. Isang halimbawa si Meme Vice ng mapagmahal na anak na handang magsumikap para sa magulang at pamilya mabigyan lamang ng magandang buhay at kinabukasan ang mga ito.