Larawan Ni Nanay Na Binuhusan Ng Kaning Baboy Ng Sariling Anak, Ikinagalit Ng Netizens

Ang pagrespeto sa ating mga magulang na bumuhay at nagpalaki sa atin ay isa sa pinakasimpleng kabayaran na pwede nating gawin. May mga pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o pag-aaway ang magulang at anak ngunit hindi ibig sabihin ay may karapatan na ang anak na bastusin ang kanyang magulang, lalo na kung ito ay ang kanyang ina na nagluwal sa kanya.

Nakalulungkot mang isipin ngunit ang mga pangyayaring pagbastos at pagpapahiya sa magulang ng isang anak ay talagang nangyayari. Masakit isipin na ang magulang na minahal at inaalagaan ng mabuti ang anak buong buhay nito ay siyang tatrato sa kanya na parang basura.

Credit: Facebook / Willie Damasco

Ibinahagi ng netizen na si Willie Damasco sa kanyang Facebook post ang kalunos-lunos na sinapit ng isang matandang ina matapos di umano ay buhusan ng kaning baboy ng kanyang sariling anak.

Aniya, “85 years old na nanay gibuhusan og lamaw sa iyahang anak na tumboy, tarong ba gud na?!”

Nakita daw ni Willie ang nanay na binuhusan ng kaning baboy ng kanyang tomboy na anak. Ang kaning baboy ay mga pinagsama-samang panis o sirang pagkain na madalas ipakain sa mga baboy kaya ito tinawag na ‘kaning baboy’. Hindi kaaya-aya ang amoy nito at masasabing madumi kaya naman isang malaking kabastusan na ibuhos ito sa sariling magulang.

Credit: Facebook / Willie Damasco

Makikita na pinagtitinginan ang matandang nanay sa daan habang puno ito ng kaning baboy sa kanyang katawan. Nakakaawang tingnan ang kalagayan nito habang naglalakad na puno ng kaning baboy mula ulo hanggang paa, kahit sino ay maawa at magagalit sa kanyang sinapit.

Dahil sa nangyari maraming netizens ang hindi napigilang magkomento dala ng awa kay nanay at galit sa kanyang anak.

“Walang awa ang anak niya, dapat magpasalamat siya dahil pinalaki siya ng nanay niya.”

“Ang sama-sama mong anak. Matanda na si nanay binigyan mo pa siya ng hinanakit.”

Credit: Facebook / Willie Damasco

“Kung di mo siya kayang tingnan bilang nanay mo, sana bilang tao man lang.”

“Dadanasin mo rin yan pag dumating ang araw na ikaw naman ang nasa kalagayan ng anak mo.”

“Ayon sa Bible, sa pangalawang kautusan, igalang mo ang iyong ama’t ina nang sa gayon ay humaba ang buhay mo, di ka ba natatakot paparusuhan ka ng Diyos.”

Credit: Facebook / Willie Damasco

Hindi maipagkakaila na talagang nakakadurog ng puso at nakakainit ng ulo ang pangyayaring ito. Ano pa man ang dahilan kung bakit nagawa ito ng anak sa kanyang sariling ina ay hindi pa rin makatwiran ang kanyang ginawa. Ang lahat naman ng hindi pagkakaunawaan ay maaari namang pag-usapan ng maayos, dahil ano man ang mangyari ang magulang ay nararapat pa ring respetuhin.

Ang kwentong ito ay sana maging aral sa lahat ng anak sa mundo. Bilang isang anak, obligasyon nating igalang ang ating mga magulang. Hindi man masuklian ng anak ang magulang sa pera o mga materyal na bagay, ang respeto at paggalang ay sapat na para sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nila.

Leave a Reply