Pagkakaibigan nina Megastar at Osang, Kinaaliwan at Ikinatuwa ng Fans

Naging malapit na magkaibigan na nga ngayon ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at sikat na sexy star Rosanna Roces na kilala rin sa pangalang “Osang”. Naging posible ito nang magkasama ang dalawa sa pelikulang Revirginized.

Isang papuri at sweet caption ang ipinost ni Megastar Sharon Cuneta para sa kapwa aktres na si Rosanna Roces na kitang-kita ang nabuong closeness.

Credit: Instagram / reallysharoncuneta

“I really love this woman. So real, so honest. Napakarami nang napagdaanan at ang napakaganda ay napakarami niyang natutunan. Pinagtagpo kami ng Panginoon sa tamang panahon. Wala akong kaduda-duda kay Osang, Ms. O, Lablab ko. I know I can trust her and pour my heart out to her anytime, without having to worry that she would betray me. I am blessed to be called her friend. I love you, Osang, my Lablab.”

Credit: Instagram / reallysharoncuneta

Maraming netizens ang natuwa at pinusuan ang post na ito ng Megastar at komento ng mga fans “friendship goals” ang dalawang aktres. Proud na proud nga ang Megastar dahil ngayon ay nakilala niya ng lubusan si Rosanna at maituturing niyang matalik na kaibigan. Dahil na rin sa pagiging totoo nito at hindi umano siya magdadalawang-isip na pagkatiwalaan ito ng lubos.

Credit: Instagram / therealrosannaroces

Samantala isang throwback photo din ang ipinost ni Rosanna Roces sa kanyang IG account na nagpapakita ng pagiging malapit ngayon kay Sharon. Makikita sa post ng aktres ang ginawa niyang song/dance number sa kaarawan ng Megastar noong taong 2000. Kwento ng aktres na kahit pa umano may lagnat siya ay bumangon at pumunta siya kaagad para sa programa noon ni Sharon. “Di ko pwede makalimutan yan kasi ako lang ang sexy star na ni re-request niyang mag-guest na lagi ko naman syempre pinagbibigyan. Hindi pwedeng hindi… Sharon yata yan!”

Credit: Instagram / therealrosannaroces

Biro din ni Osang na bumalik na sila sa katawan nila noon na makikita sa throwback picture na pinost ng aktres. Lubos naman ang pagmamahal na ipinakikita ni Rosanna kay Sharon at sa natagpuan nitong tunay na pagkakaibigan sa isa’t-isa. Panay rin ang post ng dalawa na miss na nila ang isa’t isa at maging magkatrabahong muli sa isang proyekto.

Credit: Instagram / reallysharoncuneta

Tuwang-tuwa ang fans ng dalawang aktres dahil sa ipinakikita nitong maayos na samahan bilang bagong magkaibigan. Komento ng ilang netizens bibihira na umano makakita ng totoong kaibigan sa ngayon. Naging patunay ang pagkakaibigang Sharon at Rosanna na hindi imposibleng may totoong kaibigan na darating sa’yo, na ibinigay ng Diyos para maging karamay sa lahat ng pagkakataon.

Leave a Reply