Marvin Agustin, Nagbigay ng Makahulugang Mensahe sa Kanyang 16-Anyos na Kambal

Nagdiwang ng ika-labing-anim na taong kaarawan ang anak na kambal ng aktor na si Marvin Agustin. Tila parang kelan lang nga nang isilang ang kambal sa dati nitong asawa na si Tetet Dy. Makahulugan naman ang mensahe ng aktor sa kambal na anak nito na sina Sebastian at Santiago.

Credit: Instagram / marvinagustin

Mensahe ng aktor sa Instagram account nito: “Sweet 16. Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdadaanan natin. Walang perpektong mundo, meron lang mga taong kakayanin ang kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay at yan ang wish ko sa inyo. Maging matatag sa kahit na anong haharapin nyo sa buhay. I love you my handsome boys.”

Credit: Instagram / marvinagustin

Pabiro ding sinabi ng aktor sa mga anak: “Pagco-Cochi ko kayo at ipagbe-bake ng Kerot cake. Buti nalang marunong ako magluto at di na tayo gagastos pa. Happy birthday Sebastian & Santiago.”

Pinusuan naman ng fans, kapwa mga artista at kaibigan sa showbiz ang larawang ito ng mag-aama. Maraming netizens din ang natuwa at nagpahatid ng pagbati sa mga anak ng aktor. Makikita naman sa aktor ang pagiging malapit nito sa mga anak na kasama niya ngayon sa kanyang bahay.

Credit: Instagram / marvinagustin

Bukod naman sa pagiging ama sa kambal nitong anak, ang aktor na si Marvin Agustin ay isang negosyante at chef. Sikat ang aktor sa best seller nitong Cochinillo o tinatawag ng aktor na Cochi. Patok ang Cochi nito na ginagamitan lang ng plato kung hihiwain dahil sa pagiging crispy nito. Maraming putahe din ang niluluto ng aktor para sa mga tumatangkilik sa kanyang food business.

Credit: Instagram / marvinagustin

Hands-on din ang aktor sa mga negosyo nito at makikita naman sa social media na siya mismo ang naghahanda at sinisiguradong maayos na makararating sa customers nito. Ayon sa ulat, meron ng halos limampung restaurant ang aktor at labing isang brands sa kanyang portfolio. Nag-aral at nakapagtapos si Marvin ng kursong Culinary Arts sa International School for Culinary Arts and Hotel Management o ISCAHM.

Credit: Instagram / marvinagustin

Kung titingnan naman ang buhay pag-ibig ng aktor ay wala itong asawa sa ngayon, samantalang ang dati nitong karelasyon at ina ng kanyang mga anak ay may bago na ring pamilya. Dagdag pa rito, naiisingit pa din ng aktor ang mga proyekto nito sa showbiz at lumalabas sa ilang programa sa telebisyon kahit pa nga sobrang busy nito sa dami ng kanyang negosyo. Sa kabila ng estado ng tagumpay ng aktor na si Marvin Agustin, isa itong napakasipag at mapagmahal na ama.

Leave a Reply