Maris, Inaming Natakot Noon na Isawalat sa Publiko ang Relasyon Nila ni Rico Blanco

Masayang ibinahagi ng Kapamilya singer/actress Maris Racal ang kwento ng pag-iibigan nila ng vocalist na si Rico Blanco sa guesting nito sa Magandang Buhay.

Matatandaang inamin ng aktres na “in a relationship status” siya kay Rico Blanco, band vocalist/songwriter na una pang sumikat noong 90’s. Nag-guest nga kamakailan si Maris sa programa ng Magandang Buhay na ipinalalabas sa ABS-CBN kung saan host ang mga aktres na si Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Janice de Belen.

Credit: Instagram / mariesteller

Sa panayam sa kanya ng tatlong host tungkol sa relasyon nila ng vocalist na si Rico Blanco, inamin naman ni Maris na sa una ay takot talaga siyang aminin ang kasalukuyang estado nila ni Rico Blanco. Nakaramdaman umano siya ng pressure sa magiging komento ng fans at netizens lalo na at malaki ang agwat ng edad nila.

Una na ngang lumabas ang espikulasyon noon na tila may relasyon ang dalawa na nakumpirma naman ng batiin ni Maris si Rico sa social media. Naging maganda naman ang pagtanggap ng publiko sa relasyon nila ng aminin nila ito.

Credit: Instagram / mariesteller

Si Maris ay edad 23 at si Rico Blanco naman ay edad 48 kaya kung bibilangin ay 25 years ang agwat ng kanilang edad. Ngunit sa kabila ng naging age gap ng dalawa ay makikita naman kay Maris na masaya ito sa relasyon nila ni Rico. Hindi naman maiwasan na tuksuhin ito ng mga host lalo na ng tanungin ito kung kelan siya huling kinilig. Sagot ni Maris, “Everyday naman Ate Melai”, na tila kinikilig at nahihiya habang sumasagot.

Credit: Instagram / mariesteller

Dagdag pa ni Maris na isang simpleng boyfriend lang umano si Rico. Nang matanong naman ang dalaga kung paano nagsimula ang relasyon nito sa singer sinabi nito na noon musika talaga ang naging tulay pero ngayon ay malaking porsyento umano na parehas sila ng “value in life” kaya napapanatili nila ang kanilang samahan.

Tinanong din ni Momshie Jolina kung ano ang paborito nitong kanta ng Rivermaya, sagot ni Maris “Yung sinulat ni Rico na ano, Umaaraw, Umuulan”. Aniya naikwento umano sa kanya ni Rico ang dahilan at para kanino isinulat ang kantang ito.

Credit: Instagram / mariesteller

Napaamin naman si Maris na noon pa pala sila may relasyon bago pa man magkaroon ng pandemic. Hiyang-hiya naman ito at kinikilig ng sabihin ang tawagan nila na “babs” ni Rico Blanco. Giit naman ni Melai na love is for all ages, katulad na lamang ng love story nina Maris at Rico na hindi alintana ang edad at sasabihin ng tao dahil ang totoo nagmamahal lang naman sila at walang tinatapakang tao.

Leave a Reply