“Soon, Inaayos Lang Ang Script”, Marian, Magbabalik Teleserye Na Nga Ba?

Pinananabikan at gusto na muling mapanuod ng mga fans si Marian Rivera sa isang teleserye. “Miss na miss ka na namin na mapanuod sa telebisyon at teleserye”, ito ang naging hirit ng isang fan sa kanyang social media account. Agad naman itong sinagot ng aktres ng maikli pero malamang sagot na maaaring magkumpirma ng pagbabalik ng Kapuso Primetime Queen sa telebisyon. Tugon ng aktres sa kanyang mga fans, “aww maraming salamat… soon inaayos lang ang script”.

Credit: Instagram / marianrivera

Marami nga sa fans ng aktres ang hindi na mapigilan ang pagkasabik sa pagbabalik ng aktres sa pag-arte. Pansamantalang tumigil ang aktres sa pagtanggap ng proyekto dahil na rin sa pandemya ng Covid-19. Matatandaang may nakalinya ng teleserye ang aktres bago pa man dumating ang pandemya. Nakatakda sanang pagbidahan ng aktres ang katatapos lang na teleseryeng First Yaya kasama si Gabby Concepcion.

Credit: Instagram / marianrivera

Ani ni Marian sa isang interview, kinailangan niyang mag-backout sa proyekto para sa kanyang mga anak. Hindi umano niya kakayanin na hindi umuwi ng matagal at mag-lock-in taping lalo na at may mga anak siya. Nariyan ang pag-aasikaso at paggabay sa panganay nitong anak na si Zia, sa online classes nito at ang pagpapa-breastfeed sa bunso nitong si Sixto na noon ay isang taong gulang pa lamang.

Credit: Instagram / marianrivera

Dagdag pa ng aktres, masaya umano siya sa magiging karakter sana niya sa First Yaya at gustong-gusto niya itong gawin. Ibinigay na umano niya ang isip at puso niya sa proyekto kahit hindi pa man nagsisimula ang taping, pero sa kasamaang palad ay dumating naman ang kinatatakutang pandemya. Nagpasalamat din ang aktres sa pag-unawa at pagsuporta ng pamunuan ng GMA Nework sa kanyang desisyon.

Credit: Instagram / marianrivera

Samantala nagdiriwang ang aktres ng halos dalawampung taon niya sa showbiz sa ilalim ng Kapuso GMA Network na nagbigay sa kanya ng oportunidad na umarte at makilala sa telebisyon. Ngayon nga ay binansagan na siya bilang Kapuso Primetime Queen dahil sa mahusay na pagganap nito sa mga ibinigay sa kanyang karakter mapa-teleserye man o pelikula.

Credit: Instagram / marianrivera

Unang nakilala ang aktres sa mga paglabas nito at pagbida sa mga teleserye ng GMA Network. Ilan sa mga ito ay Pinoy adaptation ng Korean drama na Endless Love, Temptation of Wife, gayundin ang sikat na sikat na karakter na Marimar, at marami pang iba. Maraming commercial din ang lalong nagpasikat kay Marian Rivera at ngayon nga ay inaabangan na ng mga fans nito ang panibagong karakter na kanilang susubaybayan at mamahalin.

Leave a Reply