Mahal, Sinadya ang Dating Katambalan na si Mura sa Kanyang Probinsiya

Ang buhay showbiz ay hindi isang permanenteng trabaho kaya naman may ilang mga artista na rin ang sikat noon ngunit hindi na nakikita ngayon sa telebisyon. Ngunit kahit wala na sila sa showbiz ay madalas pa rin natin silang maalala dahil sa mga tumatak nilang proyekto sa telebisyon at hindi malilimutang galing sa pag-arte o dahil sa kanilang itsura.

Kabilang sa artista noon na hindi na nga nakikita ngayon ay ang aktor na si “Mura” o Allan Padua sa totoong buhay. Maaalalang sumikat ang tambalan nila ni “Mahal” o Noemi Tesorero sa totoong buhay dahil sa kanilang iconic love team. Ang dalawa ay parehong may kondisyon na dwarfism kung kaya nanatiling maliit ang kanilang pangangatawan at hindi na lumaki katulad ng normal na tao.

Credit: YouTube / Mygz Molino

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kondisyon ay hindi ito naging hadlang para pasukin ang mundo ng showbiz at sumikat pa. Talaga namang kinagiliwan ng publiko ang tambalan ng dalawa hindi lang dahil sa galing sa pag-arte kundi ang natural na talento nila sa pagpapatawa.

Ngunit sa kabila ng kasikatan ay hindi rin nagtagal ang ningning nila sa mundo ng showbiz. Marami ngang netizens ang nakapansin at nakaalala kung nasaan na kaya si “Mura”, matapos makita muli ang paglabas ni Mahal sa telebisyon sa isang teleserye sa GMA. Dahil magkatambalan ang dalawa ay maraming netizens ang napatanong kung nasaan ang kanyang dating katambal.

Credit: PEP

Sa kasalukuyan nga ay hindi na nakikita si Mura sa telebisyon at kamakailan lamang ay nag-viral siya sa social media matapos makita ang paghihirap niya sa buhay ngayon matapos niyang maaksidente at huminto sa kanyang buhay artista. Ikinagulat ito ng maraming netizens at hindi inaasahan na malayo na sa dating buhay niya sa showbiz ang nararanasan ni Mura.

Nito nga lamang nakaraan ang vlogger na si Mygz Molino ay ibinahagi sa kanyang YouTube channel ang muling pagtatagpo ng dating magkatambal na si Mahal at Mura. Nangyari ang pagtatagpo matapos bisitahin nila Mygs at Mahal si Mura sa kanyang probinsyang tinitirhan ngayon.

Credit: YouTube / Mygz Molino

Ang pagbisitang ito ay hindi naging madali dahil sa pandemic ngayon at malayo pala ang tinitirhan ni Mura na kailangan ng malayong lakarin at maputik at malubak pa ang mga daan. Hindi naman ito inalinta nila Mygz at Mahal at nagpatuloy lang sa kanilang pakay na makita at madalaw si Mura.

Matagal ng panahon na hindi nakikita ni Mura ang dating katambal at naging matalik na kaibigan kaya naman ay pursigido ito na makita siya kahit pa malayo ang tirahan nito at nakakapagod puntahan. Sa hinaba-haba nga ng kanilang byahe at lakaran ay sa wakas ay natuntun rin nila ang pakay.

Credit: YouTube / Mygz Molino

Makikita na kahit matagal ng hindi nagkita si Mahal at Mura ay malapit pa rin ang isat-isa na tila ba walang nagbago. Kaagad na nagkulitan at nagkwentuhan ang dalawa dahil sa kasabikan at halata naman na masayang-masaya sila sa muling pagtatagpo.

Marami din ang nagpasalamat sa vlogger na si Virgelyncares dahil siya umano ang unang gumawa ng paraan para magkita sina Mahal at Mura. Tunay ngang walang permanente sa mundo katulad na lang ng buhay showbiz at kasikatan kaya naman masaya si Mura sa mga taong hindi siya kinalimutan.

Leave a Reply