Si ‘Lyca Jane Epe Gairanod’ o mas sumikat sa pangalan na Lyca Gairanod ay isang singer at vlogger. Nakilala siya matapos manalo sa singing contest ng ABS-CBN Network na The Voice Kids noong unang season taong 2014. Maraming napahanga si Lyca sa taglay niyang talento sa pagkanta lalo na ang mataas niyang boses na kayang umabot ng matataas na tono sa edad na pito noong panahon na iyon.
Matapos manalo sa patimpalak ay malaki na ang pinagbago ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Noon ay nakatira lamang sila sa barong-barong sa Tanza, Cavite habang ang kanyang ama ay simpleng mangingisda, at sila naman ng kanyang ina ay nangangalakal ng mga plastik at bote para ibenta at kumita.

Matapos nga ang ilang taon ay makikita ang malaking pagbabago at pag-asenso sa buhay ni Lyca. Mapapanuod sa kanyang mga vlogs ang magagandang pagbabago sa kanyang buhay katulad na lamang ng pagkakaroon ng magandang bahay at kotse. Bukod sa pagbabahagi ng kanyang buhay, ipinagpapatuloy pa rin ni Lyca ang kanyang pagkanta na madalas niyang gawin sa kanyang vlog, at kahit dalaga na ay hindi pa rin nagbago ang kanyang boses at sa halip ay mas gumanda pa nga ito.
Nito nga lamang nakaraan ay nagbalik tanaw si Lyca sa dati niyang buhay, noong mga panahon na nagangalakal pa lamang siya. Ibinahagi ni Lyca sa kanyang vlog na nakita niya ang matanda na si ‘Lola Ising’ na patuloy pa ring nangangalakal kahit matanda na. Kaya naman ay agad nya itong ipinahanap dahil naalala niya na kasama niya ito sa pangangalakal dati at gusto niya itong tulungan.

Ipinag-grocery ni Lyca si Lola Ising bilang supresang tulong para dito. Binilhan niya ito ng mga kape, asukal, de lata, noodles, biscuit at isang sakong bigas, pati na rin mga prutas para daw maging malusog si Lola Ising.
Napag-alaman nga ni Lyca na si Lola Ising ay mas hirap sa buhay ngayon dahil sa nangyaring pandemya. Hindi ito makalabas at makapangalakal dahil matanda at alinsunod rin sa health protocol. Nakakaawa ang kalagayan ni Lola Ising dahil bukod sa matanda na ito ay may iniinda na rin itong sakit at mahina na rin ang kanyang pandinig.

Ibinahagi rin ni Lola Ising na kahit gusto niya raw huminto sa pangangalakal at magpahinga na lamang ay hindi niya ito magawa dahil wala siyang ibang maasahan kundi ang sarili niya lang. Kung hindi siya mangangalakal ay hindi siya magkakaroon ng pera para sa kanyang pang-kain. Nakakalungkot rin na halos 30 years na niyang ginagawa ang hanapbuhay niyang ito na kumikita lamang ng 20 pesos sa isang araw.
Nang makita ni Lola Ising ang surpresang grocery ni Lyca ay hindi niya napigilang mapaluha dahil sa sayang naramdaman. Malaki ang pasasalamat ni Lola Ising sa ginawang kabutihan ni Lyca sa kanya, hindi niya akalain na ang dating batang nangangalakal na kasama niya lang dati ay bibigyan siya ng magandang surpresa.

Masaya si Lola Ising sa mga natanggap niyang grocery at malaking tulong daw ito sa kanyang pang araw-araw, at kahit papaano ay makakapagpahinga na siya dahil hindi niya kailangan piliting mangalakal dahil meron na siyang mga pagkain. Masaya rin si Lyca dahil gusto niya talagang magpahinga na si Lola Ising sa pangangalakal at manatili na lamang sa kanyang munting tahanan. Alam ni Lyca ang hirap ng trabahong ito lalo na at matanda na si Lola at may pandemya pa, kung saan hindi ligtas para rito.

Dahil sa ginawang ito ni Lyca ay maraming natizens ang humanga sa kanyang kabutihang loob at nagbigay ng mga magagandang komento:
“Ito yung mga taong hindi nahihiya na balikan kung saan siya galing. Dahil dyan isang malaking YES ka sa akin Lyca.”
“Stay humble Lyca, you deserve all the blessings na natatamasa mo, keep sharing to those in need ang God will continue bless you! You are a real superstar.”
“Good job, Lyca. Helping people who’s in need specifically senior citizen is a plus. Beautiful with a heart.”
“I stan the right influencer!”

Si Lyca ay isang magandang halimbawa sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Bukod sa pagtulong ay marunong din siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan, at hindi nakakalimot sa mga taong nakasama niya noon kahit matagumpay na siya sa buhay.
Good job lyca more blessing pa Sana dumating sayo Hindi nkakAlimot sa pinang galingan mo I’m so proud of you ..❤️☺️🙏