Posibleng Paglipat nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Ibang Istasyon, Usap-Usapan sa Social Media

Maugong ang balita ng paglipat ng real-life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ito ay matapos na mabanggit ng manager na si Ogie Diaz sa vlog nito sa kanyang Youtube channel na hindi ito imposible kung pumayag naman ang management ng ABS-CBN. Natatandaan na noon pa lang ay usap-usapan na ang pag-aalok ng kabilang network sa isa sa mga sikat na loveteam ng ABS-CBN na lumipat sa kanila.

Credit: Instagram / iamr2alonte

Sa kalaunan ay nawala na rin ang bali-balitang ito dahil hindi naman ito nakumpirma ng bawat kampo nina Loisa at Ronnie. Ngunit ngayon lumalakas na naman ang espikulasyon na maaaring lumipat na ang dalawa sa GMA Network. Nilinaw naman ni Ogie Diaz sa fans at netizens na walang masama kung lilipat man ito ng network. Hindi umano ito dahilan upang sabihing ingrata at ingrato ang dalawa dahil lang sa paglipat nito ng istasyon.

Matatandaang ilan sa mga talent ng ABS-CBN ay nagsilipat na sa kabilang network, ilan sa mga ito ay sina Bea Alonzo, Pokwang, Beauty Gonzales at maging ang magaling na director na si Mr. M o Jonny Manahan. Maraming netizen nga ang nagbigay ng komento sa isyung ito, sa posibilidad na lumipat na rin ang dalawa sa kabilang network na Kapuso channel GMA mula sa Kapamilya channel ABS-CBN.

Credit: Instagram / iamr2alonte

Hati ang komento ng mga fans at netizens sa balita ng paglipat ng dalawa. Komento ng ilang netizens kung sakali man raw na totoo ito, susuportahan pa rin nila ang kanilang mga idolo. Solid umano ang suporta nila kina Loisa at Ronnie o kilala sa sa bansag na “Loinie” kahit saang istasyon man ito magkaroon ng proyekto.

May mga fans din na sabik na mapanuod ang dalawa sa kabilang istasyon kung matuloy ang paglipat at hiling na sana ay mapanuod na agad nila ang dalawa sa telebisyon. Sa ngayon ay wala pang pinal na pahayag ang dalawa sa isyu ng paglipat.

Credit: Instagram / iamr2alonte

Sumikat si Loisa Andalio sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother at naging miyembro ito ng grupong GirlTrends sa It’s Showtime kung saan nagpe-perform ito kasama ng iba nitong kagrupo. Nagkaroon din ito ng mga proyekto kabilang na ang mapabilang sa teleserye, commercials at maraming pelikula.

Samantalang ang nobyo naman nitong si Ronnie Alonte ay nakilala rin sa ilang palabas sa telebisyon at nakilala rin bilang miyembro ng grupong Hashtags sa It’s Showtime ng ABS-CBN. Kitang-kita naman ang maayos na relasyon ng dalawa na palaging nagpo-post ng kilig at sweet moments nila sa kanilang social media accounts.

Leave a Reply