Kristel Fulgar, Tumulong sa Construction Workers na Gumagawa ng Kanyang Bahay

Si Kristel Fulgar ay isang singer, vlogger, aktres at maituturing na social media influencer sa dami ng kanyang mga tagahanga na sumusubaybay sa kanyang Youtube channel. Siya ay mayroong 1.4 million subscribers sa Kristel Fulgar account at may 2.17 million subscribers naman sa KrisTells.

Ang kanyang dalawang channel ay nagkaroon na ng Gold Play Button kaya nakapag-ipon at nagpapagawa ng sariling bahay. Isa ito sa mga pangarap niya kaya naman nagsumikap siyang maisakatuparan ito.

Credit: Instagram / kristelfulgar

Aniya, “Masarap umangat, masaya parang everytime na kunwari tumataas ang subscribers ko, gumaganda yung role na binibigay sa akin. Masasabi ko na hanggat may nakaka-appreciate ng ginagawa ko, masaya ako at nag-eenjoy ako.”

Ngayon nga ay nagbunga na ang kanyang paghihirap dahil nasimulan na ang pagpapatayo ng kanyang bahay na ibinahagi niya sa kanyang channel. Sa kanyang vlog na “Construction Worker for a Day” ibinahagi ni Kristel ang kanyang pagtulong sa mga construction workers na gumagawa ng kanyang bahay. Inilaan niya ang kanyang araw para tumulong at magkaroon umano ng ambag sa pagpapagawa ng kanyang bahay.

“Maganda kasi, syempre pag sa bahay na ginagawa meron kang ambag, kahit konti.”

Credit: Instagram / kristelfulgar

Makikita ang kagustuhan ni Kristel na tumulong at sinabi ma matagal niya na talagang plano na tumulong sa pagpapagawa ng kanyang bahay. Una niyang ginawa ay ang pabibistay ng buhangin kung saan ay nahirapan pa siya dahil ito ay kanyang first time at inakalang madali lang ito.

Ang sumunod niya namang ginawa ay ang pagpapala ng mga buhangin at paglagay nito sa cement mixer kung ay masayang-masaya si Kristel dahil nagawa niya ito ng maayos. Pagkatapos ay tinuruan siya na maglagay ng semento sa pader na hindi rin naging madali para sa kanya. Hindi rin nagpahuli si Kristel na subukan ang pagiging electrician kung saan ay tinuruan siya sa pagkakabit ng mga wires para sa kanyang bahay.

Credit: Instagram / kristelfulgar

Ang pagiging construction worker for a day ay naging isang masayang karanasan para sa kanya at hindi niya akalain na sobrang hirap pala nito.

“It was fun, pero di ko inexpect na ganun pala siya kahirap. Hindi siya madali, promise. Yung mga nakikita mo na ginagawa nila kunwari yung ginaganon (pagbibistay) hindi siya madali, kailangan mo palang mag exert ng lakas talaga at effort. Hindi siya yung parang inuuguy lang, na akala mo kasi pag nakikita mo ang dali-dali lang pero hindi siya madali.”

Credit: Instagram / kristelfulgar

Napatunayan ni Kristel na ang pagiging construction worker na simpleng trabaho lang kung tingnan ng marami ay isang napakahirap na trabaho. “Pag sinubukan mo dun mo lang malalaman yung hirap” aniya.

Nagpasalamat rin si Kristel sa mga construction workers na tumulong at nagturo sa kanya. “Thank you sa mga nakasama kong mga trabahador na tumulong sa akin para magawa tong vlog na ‘to kahit parang nanggulo lang naman ako sa kanila,” sabay tawa niya.

Credit: Instagram / kristelfulgar

Napatunayan ni Kristel na hindi mo pwedeng husgahan ang isang trabaho hanggat hindi mo ito nasusubukan. Saludo umano siya sa mga construction workers dahil hindi ito madali lalo na ngayong panahon ng pandemya na malayo sila sa kanilang mga pamilya. Bukod sa kanya ay aral din ito sa kanyang mga subscribers na ang pagiging isang construction worker ay isang marangal na trabaho at hindi dapat ikinahihiya.

Leave a Reply