Lord of Scents, Joel Cruz, Gumastos ng 52 Million Pesos Para Magkaroon ng Walong Anak

Para sa mga taong gustong magkaanak ngunit walang kapares, ang pagkakaroon ng anak ay posible na dahil sa tulong medikal at siyensya. Ang surrogacy ay isang tulong medikal at proseso ng pagkakaroon ng anak para sa mga taong walang kapares ngunit gustong mabiyayaan ng anak. Ang prosesong ito ay hindi biro at nagkakahalaga lang naman ng ilang milyong piso.

Kilalanin natin ang Lord of Scent na si Joel Cruz na nakapagpatayo ng multi-million empire dahil sa kanyang negosyong pabango na Aficionado. Saan nga ba nagsimula ang interes ni Joel na magkaroon ng anak at paanong humantong ito sa surrogacy?

Credit: Instagram / joelcruzaficionado

Nagsimula ang ideya at interes ni Joel na magkaroon ng anak sa kanyang kaibigan na si Ogie Diaz na kilala bilang aktor-comedian at manager sa showbiz industry. Hinikayat umano siya ni Ogie na magkaroon ng anak sa tulong ng surrogacy.

Subalit ang surrogacy ay hindi pa ginagawa dito sa Pilipinas dahil itinuturing pa itong ilegal at kasiraan sa natural na proseso ng buhay. Kaya naman ay nagpa-surrogacy si Joel sa bansang Russia kung saan legal ang prosesong ito.

Paano nga ba umabot ng 52 million pesos ang ginastos ni Joel Cruz para lamang magkaroon ng mga anak?

Credit: GMA Network

Ang unang proseso ng surrogacy ay nagbunga ng kambal; isang babae at isang lalaki. Pinangalanan niya ang mga ito na sina Princess at Prince na ngayon ay 8 years old na. Gumastos si Joel sa una niyang kambal na anak ng 12 million pesos.

Dahil sa matagumpay na surrogacy at kasiyahan ni Joel sa pagkakaroon ng anak ay umulit pa siya upang madagdagan ang kanyang mga anak at magkaroon ng malaking pamilya.

Sa pangalawang proseso ng surrogacy ay nagkaroon ulit siya ng kambal na anak na parehong lalaki, pinangalanan niya ang mga ito na Harry at Harvey na ngayon ay 5 years old na. Gumastos naman siya ng 11 million pesos para dito.

Credit: Instagram / joelcruzaficionado

Sa pangatlong pagkakataon sa tulong ulit ng surrogacy at ni Lilia ay nagkaroon ulit si Joel ng pangatlong set ng kambal na babae at lalaki. Sila ay sina Charlotte at Charles na ngayon ay 3 years old na at gumastos rin siya dito ng halagang 11 million pesos.

Hindi pa nga nakontento si Joel sa kanyang anim na anak kung kaya’t sa huling pagkakataaon ay nagpa-surrogacy ulit sya at nagkaroon ng dalawang solo babies sa magkaibang surrogate mother. Ang dalawang solo babies ay pinangalanan na sina Zaid at Ziv na ngayon ay 2 years old na. Ang ginastos ni Joel para sa kanila ay 18 million pesos para kina Zaid at Ziv.

Credit: Instagram / joelcruzaficionado

Hindi naman inililihim ni Joel sa kanyang mga anak ang proseso na pinagmulan ng mga ito. May ideya na ang mga bata at kung dumating man ang panahon na magtanoong sila ay buong puso niya naman itong ipapaliwanag sa mga anak.

Sa modernong panahon ngayon, hindi na problema ang hindi pagkakaroon ng anak o kagustuhang magkaanak kahit pa mag-isa ka lang at walang kapares. Sa tulong ng mga makabagong medikal na proseso at siyensya ay posible na ang lahat, IVF man yan o surrogacy.

Credit: Instagram / joelcruzaficionado

Ang pagiging magulang ay hindi lang nasusukat sa iyong kasarian, kundi pati na rin sa kagustuhan mong magkaroon nito at pagpapakita ng iyong pagiging responsable at pagmamahal sa mga bata. Naiiba man sa karaniwan ang pamilya ni Joel ay proud siya sa kanyang naging desisyon. “A proud father of 8 children! Single father, GAY, happy, responsible & very blessed!” aniya.

One thought on “Lord of Scents, Joel Cruz, Gumastos ng 52 Million Pesos Para Magkaroon ng Walong Anak

Leave a Reply