Jeric Raval, Mas Pipiliin na Hindi Magkaroon ng Maraming Anak Kung Maibabalik Lang ang Panahon

Ang aktor na si Jeric Raval ay nakilala at sumikat noong 90s dahil sa kanyang mga maaksyong palabas. Magpasa-hanggang ngayon ay nakikita pa rin siya sa mga palabas sa telebisyon na gumaganap ng mga maaksyong role.

Sa kabila ng kanyang abalang career noon ay nagkaroon pa rin ito ng panahon para sa pag-ibig. Ngayon ngang 45 years old na ang aktor ay hindi niya itinago na mayroon siyang labinwalong anak sa ibat-ibang babae na kanyang minahal kung saan ay umaani ng pambabatikos sa mga netizens.

Credit: Famous Intro

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktor ang kanyang saloobin patungkol sa kanyang personal na buhay at pagiging ama sa labinwalo niyang anak. Bilang isang ama na may maraming anak sa ibat-ibang babae ay mahirap ito para sa kanya.

Ayon sa aktor, kung maibabalik niya lang ang panahon ay hindi na niya uulitin ang kanyang pagkakamaling magkaroon ng mga anak sa ibat-ibang babae. Ngunit hindi naman daw siya nagsisisi sa pagkakaroon ng labinwalong anak dahil mahal na mahal niya ang mga ito.

Credit: Mykiru

“Kung huhusgahan nila ako sa nagkaroon ako ng anak na labinwalo, what more yung nagkaanak ng 88?” saad ni Jeric. Hindi rin naiwasan na magkaroon ng mga negatibong komento ang mga netizens patungkol kay Jeric.

Para sa aktor hindi naman kamalian ang pagkakaroon ng maraming anak dahil biyaya ito. Subalit ang pagkakamali na itinuturing niya ay ang masaktan ang damdamin ng mga babae na ina nga ng kanyang mga anak. “Feeling ko nga, ako si James Bond that time. Yun ang hindi ko na daraanan ulit,” pahayag niya.

Credit: News 188

Dahil rin sa pagkakaroon niya ng maraming anak ay aminado siyang hindi niya laging naibibigay ang mga kagustuhan nila na madalas na ikinalulungkot niya. Hindi siya milyonaryo o masasabing mayaman dahil simpleng tao lang naman siya na pangkaraniwan ang antas ng buhay kaya hindi maiwasan na magkaroon siya ng mga pagkukulang.

“May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hinihingi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado ko dinaramdam,” ani ni Jeric. Naibahagi pa ng aktor na isa sa kanyang mga anak ang humiling na magkaroon ng bagong sasakyan ngunit hindi niya nga ito nagawang ibigay dahil wala siyang kakayahan at sapat na pera para bilhan ito.

Credit: Facebook / Holiday Buensuceso

Para sa kaalaman ng marami, ang aktor ay may legal na asawa na si Holiday Buensuceso kung saan ay mayroon siya ritong apat na anak. Ang panganay nila ay 28 years old at ang bunso ay 12 years old. Dagdag pa niya ang isa ay nasa New York at ang isa ay nasa bansang Japan.

Credit: admin lhyrz

Nagkaroon naman siya ng tatlong anak kay Monica Hererra na dati niyang naging karelasyon. Ang mga anak niya dito ay nasa pangangalaga at puder ni Monica. Ngayon nga ay mayroon siyang isang anak na sumunod sa yapak niya at gumagawa na ng pangalan sa mundo ng showbiz.

Si Aj Raval na isang aktres, social media influencer at Youtuber na anak niya sa dating nakarelasyon na si Alyssa Alvarez. Si Aj ay sikat ngayon lalo na sa mga kalalakihan dahil sa angkin nitong ganda at kaseksihan. Aktibo ito sa social media katulad ng Facebook kung saan ay nagkakaroon siya ng live streaming ng kanyang paglalaro.

Credit: Instagram / ajravsss

Sa una ay nag-aalangan pa si Jeric sa pagpasok ng anak na si Aj sa showbiz at hindi rin nito nagustuhan ang mga daring role ng kanyang anak ngunit kalaunan ay sinuportahan na lamang siya nito dahil ito ang kagustuhan ng anak niya.

Leave a Reply