JC De Vera, Masayang Ibinahagi Ang Buhay Kasama Ang Asawa’t Anak

Ang hunk actor na si JC De Vera o John Carlo De Vera sa totoong buhay ay nagsimulang tahakin ang mundo ng showbiz taong 2003 bilang cast ng barkada-serye na Click. Kasama rin siya sa sumikat na teleseryeng The Legal Wife at ang kamakailan lang na The General’s Daughter taong 2019. Hindi talaga maipagkakaila ang naipakita niyang galing bilang aktor sa mga naging roles kaya nakatanggap siya ng mga awards.

Credit: Instagram / akosijcdeberat

Sa ngayon, hindi lang pala siya isang magaling na aktor kundi isa rin siyang mabuting asawa at responsableng ama para sa kaniyang nabuong pamilya.

Laman ng mga interview niya kung paano nabago ang buhay niya simula nang dumating sa buhay niya ang kaniyang anak. Malaking pagbabago ang naranasan niya at para sa kanya tapos na daw siya sa gimik time. Hindi na katulad ng dati na ginugugol niya ang buong oras niya sa trabaho lamang. Bilang isang responsableng ama, pinagtutuunan na niya rin ng atensyon at oras ang pag-aalaga sa kaniyang mag-ina.

Credit: Instagram / akosijcdeberat

Nagiging motivation niya ang mag-ina para mas magsumikap siya buhay upang mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Inamin niya na masaya siya sa buhay na meron siya ngayon kasama si Rikka Alyssa Cruz, ang kaniyang non-showbiz wife. Kinasal daw sila sa civil wedding ceremony noong 2018 at nagbabalak na ituloy ang Church Wedding ngayong taon. Taong 2018 din nang nabiyayaan sila ng isang masayahing anak na babae, pinangalanan nila siyang Lana Athena.

Credit: Instagram / akosijcdeberat

Sa isang interview niya sa ABS-CBN, naitanong sa kaniya kung ano ang nararamdaman niya ngayong may sarili na siyang pamilya. Makikita sa reaksyon niya kung gaano siya kasaya na dumating sa buhay niya ang mag-ina. Aniya, kailanman ay hindi pa siya nakahawak ng sanggol pero noong nasa Operating Room ang asawa habang nanganganak, siya pa daw mismo ang sumalo sa ulo ni baby Lana. Parang father’s instinct na daw ang mahawakan ng maayos ang anak kahit takot siya dati sa ganito. Sa pagkakataon din na iyon, nasabi daw niya sa sarili niyang “poprotektahan ko ‘tong batang ‘to kahit anong mangyari.”

Credit: Instagram / akosijcdeberat

Naging guest naman siya sa vlog ni Erich Gonzales. Nagulat si Erich na hindi daw nila alam ang tungkol sa pag-aasawa nito. Sagot naman ni JC na never daw niyang itinago ang pamilya niya at mapapansin daw sa Instagram account niya ang mga post tungkol sa anak at asawa. Kung may magtatanong man daw sa kaniya tungkol sa pamilya, kukumpirmahin niyang kasal na siya.

Leave a Reply