Jason Abalos, Handa Nang Bumuo Ng Pamilya Kasama Ang Kasintahang Si Vickie Rushton

Si Jason Abalos ay isang aktor ng GMA Network. Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang showbiz career ay napapanatili niya ang magandang relasyon sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton na isang beauty queen.

Nito lamang ay ibinahagi nga ni Jason ang naging desisyon ng kanyang girlfriend na si Vickie tungkol sa career nito sa beauty pageants. Dahil lumagpas na sa age limit si Vickie ay hindi na siya maaring sumali ulit sa Binibining Pilipinas.

Credit: Instagram / vimrushton

Sabi ng aktor ay tila napapanahon na rin na ang kanilang relasyon naman ang pagtuonan ng pansin, tulad na lamang ng pagpapakasal at pagbuo ng kanilang sariling pamilya.

Bilang isang supportive boyfriend, si Jason ay hindi kailanman tumutol sa buhay pageant ni Vickie. Alam niya na masaya ang nobya sa ginagawa nito kaya naman ay imbis na magselos sa pagpa-pageant ni Vickie ay sinusuportahan niya na lamang ito ng buo na natural na gawin ng mapagmahal na boyfriend tulad niya.

Credit: Instagram / thejasonabalos

At ngayon nga na napagdesisyunan na ni Vickie ang paghinto sa beauty pageant, ay nasasabik si Jason na simulan na ang plano nila sa kanilang relasyon.

Aniya, “Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na yon eh. Sabi ko, ‘Oh tama nayan, hindi ka na pwede, tayo naman.'”

Credit: Instagram / thejasonabalos

Makikita na isa talagang mapagmahal na boyfriend si Jason, hindi siya nagmadali sa kanilang relasyon at sinuportahan habang hinhintay ang kanyang girlfriend na maging handa sa pagpa-pamilya.

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. Sa ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya,” dagdag na saad ni Jason.

Credit: Instagram / thejasonabalos

Ngayong nasa seryosong yugto na ng buhay si Jason at naiisip na nga ang pagpa-pamilya ay hindi naiwasang maungkat ang mga dati niyang relasyon na hindi nagtagumpay at nauwi sa hiwalayan.

“Dumaan naman po tayo nung kabataan natin na nag-e-explore pa ng mga bagay sa ating buhay at may mga pagkakataon talaga na dumarating po yan. Pero syempre, habang tayo ay nagkakaedad, nagiging iba na ang pananaw natin sa buhay. Ngayon ay pinipilit po natin na huwag tayong makasakit sa buhay,” ang naging paliwanag na sagot ni Jason.

Credit: Instagram / thejasonabalos

Samantala marami namang netizens ang nasabik sa kanilang plano at nagpaabot na ng pagbati:

“Wow tagal na nila ni Vickie. Stay strong sa inyo.”

“Congrats to both of you.”

“Bagay na bagay kayo.”

“Solid sila pa rin, ang tagal na nila. Congrats sa inyo.”

Credit: Instagram / thejasonabalos

Para sa aktor na si Jason ay handa na siyang humarap sa bagong yugto ng kanyang buhay na matagal niya na ring hinihintay. Matagal niyang hinintay at nirespeto ang karera ni Vickie kung kaya naman ay masasabing magiging mabuti siyang asawa at ama balang araw.

Ang pag-aasawa at pagbuo ng pamilya ay hindi isang biro at isang malaking responsibilidad, ngunit kung may suporta at pagmamahal ng isat-isa ay posible ang magkaroon ng isang masayang pagsasama.

Leave a Reply