Couple Vlogger Na “JaMill”, Nagbura Umano ng Channel Para Makaiwas sa Pagbabayad ng Tax?

Ang couple vlogger na ‘JaMill’ o Jayzam Manabat at Camille Trinidad ay isa sa mga sikat na infuencer ngayon. Ngunit nito lamang ay nagulat ang lahat ng binura nila ang kanilang Youtube channel. Hindi inaasahan ng netizens lalo na ang kanilang mga subscribers sa pangyayaring ito dahil naging maayos naman na ang relasyon ng dalawa matapos masangkot sa isyu ng third party si Jayzam.

Bumalik sa normal ang lahat at nagpatuloy ang dalawa sa paggawa ng mga vlogs kaya naman hindi lubos akalain ng netizens ang biglaang pagbura ng kanilang Youtube channel. Nito ngang August 19, 2021 ay nag-post sila sa Instagram ng isang mahabang mensahe patungkol sa pagbura ng kanilang channel.

Credit: Instagram / jamillph

“Hinding-hindi mawawala ang espasyo nyo sa puso namin ni Camille mga mandirigma. Pero gusto ko na talaga magfocus nang sobra-sobra sa Growth, Healthiness and Peacefulness ng relasyon namin ni Camille.” Ito na nga ang siniwalat nilang rason kung bakit sila nagbura ng kanilang channel sa kadahilanang pagtutuunan na nila ng pansin ang kanilang relasyon.

Nagpasalamat naman sila sa lahat ng kanilang mga subscribers at mga taong sumuporta sa kanila, “Apaka sayang memories kasama kayo mga kaigan pero paalam Youtube na. Ang gusto ko lang maisip nyo, na kahit kailan hindi matutumbasan ng kapangyarihan, pera at sarap ang isang tunay na pagmamahalan.”

Credit: Instagram / jamillph

Ngunit usap-usapan ngayon kung sino ang social media influencer na pinatutungkulan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon sa kanila mayroong couple vlogger ang biglang nagbura ng kanilang Youtube channel na kumikita ng milyon-milyon at ito raw ay maituturing na pag-iwas sa pagbabayad ng taxes.

Nagkaroon ng initial investigation ang BIR at napag-alaman na umabot ng 50 million hanggang 100 million pesos ang kinita ng dalawa sa nakaraang dalawang taon na pagba-vlog nila kung saan nga ay naging dahilan para makapagpatayo ng mansyon at makabili ng luxury cars. Maaalalang nag-anunsyo ang BIR na kinakailangan magbayad ng taxes ang mga social media influencers na kumikita nang malaki sa Facebook at Youtube.

Credit: Instagram / jamillph

Isa na dyan ang mga vloggers na maituturing na pasok sa self-employed category na mayroong 12% value added tax kung aabot sa 3 million pesos o higit pa ang natatanggap na annual income. Habang 8% naman kung mas mababa sa 3 million pesos, at exempted naman sa tax kung hindi hihigit sa 250,000 ang kinikita. Dahil sa pahayag na ito ng BIR ay agad na naisip ng netizens na ang “JaMill” ang kanilang tinutukoy dahil akma sa dalawa ang mga detalyeng ibinahagi.

Credit: Instagram / jamillph

Samantala matapos nga magbura ng kanilang channel ay kasabay naman nito ang paglabas ng kanilang kanta at music video na “Tayo Hanggang Dulo” sa ilalim ng ABS-CBN Star Music. Sa kasalukuyan ay abala din ang dalawa sa kanilang bagong pundar na negosyo na pinangalanang “Tea Talk”.

Hangad naman ng kanilang mga supporters na sana magkaroon ng linaw ang isyung ito patungkol sa BIR at pagbabayad ng taxes. Bukod dito ay hiling nila na sana ay magkaroon na ng kaayusan at kapayapaan ang relasyon ng JaMill na maipagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan at mas tumatag pa silang magkasama.

Leave a Reply