Netizen, Naiyak Sa Pagkadismaya Dahil Hindi Ice Cream Ang Laman Ng Container Kundi Mantika

Isa sa mga nakaugalian na ng mga pinoy ay ang mag-recycle ng mga plastik na container, katulad na lamang ng container ng biskwit na gagawing lagayan ng sinulid o kaya naman ay container ng ice cream na gagawing lagayan ng isda o tirang ulam.

Hindi maipagkakaila ang labis na pagmamahal ng mga Pilipino sa mga plastik na container, na imbis na itapon ay itinatabi pa ito at ginagamit sa ibang bagay. Nagkaroon pa nga ng biro na ang mga container na ito ay itinuturing na anak ng ating mga nanay.

Credit: BuzzFeed

Ngunit marami na ring nabiktima ang mga container na ito lalo na ang mga ice cream container. Halos lahat sa atin ay nakaranas na madismaya matapos akalain na totoong ice cream ang laman ng mga ice cream container sa freezer ng ating bahay. Tulad na lang ng kwento ng dalagang ito na umani ng maraming nakakatawang reaksyon sa nangyari sa kanya.

Ibinahagi ni Kristine Mae Asi sa kanyang Facebook post ang kanyang nakakadismaya at nakakatawang karanasan matapos akalain na ice cream ang mantika na nakalagay sa ice cream container ng kanilang freezer.

Credit: Facebook / Kristine Mae Asi

“YUNG EXCITED NA EXCITED AKO MANGAIN NG ICE CREAM PERO ISANG SUBO KO PA LANG NAGTAKA AGAD AKO KUNG BAKIT LASANG CHICHARON! KUNG SINO MAN NAGLAGAY NG MANTIKA NG BABOY SA LAGAYAN NG ICE CREAM WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN!”

Makikita naman na talagang nadismaya ang dalagang si Kristine Mae dahil naka-capslock pa ang kanyang hinaing na post sa kanyang Facebook. Kaya naman ay agad itong umani ng mga nakakatawang reaksyon sa mga netizens at hindi rin napigilan na magbahagi ng kanilang parehong karanasan.

Credit: Facebook / Kristine Mae Asi

“Hahahahaha ice cream na naging sebo pa.”

“Unang kagat, mantika lahat.”

“Dati isda nakalagay sa mga lagayan ng ice ceam ngayon mantika na. Hahahahaha prito well.”

“Ingat po sa mga nilalagay sa ice cream.”

“Kahit ako makakain ko rin siguro yan, lalo na kapag takam na takam ka sa ice cream di mo talaga mapapansin.”

“Ilang beses na rin akong naloko ng ice cream na yan hahaha.”

Credit: Facebook / Kristine Mae Asi

Sino ba naman ang hindi madidismaya matapos mong masabik sa inaakala mong ice cream, mantika pala ang laman. Kahit sino naman siguro ay mapagkakamalang ice cream ang tumigas na mantika lalo na pag nakalagay pa ito sa container ng ice cream.

Kaya naman dapat talagang siguraduhin ng lahat ng netizan ang totoong laman ng mga ice cream container lalo na kung miyembro ka ng pamilyang Pilipino. Basta’t pamilyang Pinoy, mahirap talagang pagkatiwalaan ang mga container sa loob ng bahay, kaya naman marami talagang natawa sa post at naka-relate sa naranasan ni Kristine Mae.

Credit: BuzzFeed

Ang pagtatabi ng mga plastik na container ay nakasanayan na ng bawat pamilyang Pilipino at naging parte na nga ng ating kultura. Nagpapatunay lamang ito ng ating pagiging masinop at malaking tulong na rin sa kalikasan.

Leave a Reply