Olympic Gold Medalist Hidilyn at Coach Julius, Maituturing na Relationship Goals

Nito lamang katatapos na Tokyo Olympics ay ipinagbunyi ng buong bansa ang tagumpay ni Hidilyn Diaz matapos makamit ang kauna-unahang gintong medalya matapos ang halos isandaang taon. Ang kaganapan ngang ito ay nakatatak na sa ating mga Pilipino at maitatala na sa history ng Pilipinas sa larangan ng sports.

Ang Olympics ay isang pangmalakasang sports na itinuturing na pinakamataas na antas ng patimpalak sa mundo kaya naman nakakabilib talaga ang pagkapanalo ng ating kababayan na si Hidilyn matapos kalabanin ang ilang mga bansa. Matagumpay niyang nabuhat ang napakabigat na barbell na may bigat na 127kg sa loob ng 30 segundo, kung saan ay hindi niya napigilang maging emosyonal. Bukod dyan ay marami rin ang nakapansin na matapos nga ang kanyang tagumpay ay ang taong agad na sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Credit: Instagram / imjulius

Kilalanin ang kanyang long-time boyfriend na si Julius Irvin Naranjo, isang Filipino-Japanese, ang lalaking yumakap ng mahigpit kay Hidilyn matapos manalo. Bukod sa pagiging long-time boyfriend ng higit tatlong taon ay isa rin itong weightlifter katulad niya at isa sa kanyang mga coach sa weightlifting, kung saan ay tinutulungan at sinusuportahan siya sa kanyang mga mabibigat na trainings at paghahanda.

Nagkakilala ang dalawa noong taong 2017 sa Asian Indoor and Martial Arts Games na ginanap sa Ashgabat, Turkmenistan. Ayon kay Julius ay tila na love at first sight siya kay Hidilyn, nahumaling daw agad siya at nagka@interes sa ating Pinay weightlifting fairy.

Credit: PNC News First

“When I watched her first competition at that meet we were at, I was inspired to see her willpower,” kwento ni Julius sa isang interview sa Sports U. Bilang isang atleta katulad ni Hidilyn, ay talagang humanga siya sa determinasyon nitong mabuhat ang bawat barbell at kagustuhan na manalo, lalong-lalo na sa Olympics upang makapag-uwi ng karangalan sa ating bansa.

Credit: DABGIC News

Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang boyfriend at coach dahil sa walang sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya nito. Ito umano ang nagtulak sa kanya upang huwag sumuko at magpatuloy lamang sa kanyang ginagawa. Palagi raw siyang pinapaalalahanan ni Julius at pinapalakas ang kanyang loob. “My goal is to really inspire her and help her win the medal in the Olympics,” ayon kay Julius.

Credit: PhilStar

Ibinahagi nga ni Hidilyn sa dati niyang panayam sa Magandang Buhay na umabot pa ng walong buwan bago niya sinagot ang kanyang boyfriend at nagpapasalamat siya sa kanyang desisyon dahil tama lang na pinagkatiwalaan niya ito. Pag-amin ni Hidilyn dahil sa pagko-coach ng kanyang boyfriend sa kanya ay malaki ang kanyang inimprove at mas lalo siyang lumakas.

“That’s what really drove me to set aside my own personal goals. To help her and the Philippines somehow in any way I could,” pahayag ni Julius na talaga namang nakakabilib bilang isang coach at boyfriend dahil sa buong pusong suporta at kagustuhan niyang magtagumpay ang kanyang girlfriend at ating kababayan.

Credit: Instagram / hidilyndiaz

Sa kabila ng maraming prayoridad ni Hidilyn sa kanyang buhay ay hindi kailanman siya iniwan at sinukuan ni Julius at iyon ang isa sa pinakamalaking pasasalamat niya.

“Mahirap mahalin si Hihilyn Diaz. Kasi priority ko si God, weightlifting, family, medyo last siya. So, tanggap naman niya na hindi siya masyadong priority and siya mismo ang nagbibigay ng time for me,” saad ni Hidilyn.

Credit: ABS-CBN News

Mapapa-sana all ka na lang talaga sa nakakabilib na relasyon ni Hidilyn at Julius dahil hindi lahat ng relasyon ay katulad nila na may tiwala at suporta sa isat-isa. Masasabing napaka-understanding ng kanyang boyfriend para patuloy pa rin siyang suportahan at mahalin sa kabila ng pagiging abala ni Hidilyn at kahit pa hindi siya ang unang prayoridad nito sa buhay.

Hindi lang inspirasyon si Hidilyn sa mga atleta kundi isa rin siyang inspirasyon at ang kanyang boyfriend na si Julius pagdating sa relasyon. Ipinakita nila na hindi lang binubuo ng pagmamahal ang isang masayang relasyon, kundi binubuo rin ng tiwala at suporta.

Leave a Reply