90 Anyos na Lolang Tinitipid ang Ulam ng Ilang Araw, Inulan ng Biyaya

Bilang isang matanda na mag-isa na lamang sa buhay, hindi madali ang makaraos sa bawat araw. Kaakibat nito ang hirap sa pagkilos dala ng katandaan at kalungkutan. Maraming matatanda ngayon ang naghihirap dahil sa pandemya at sa katotohanang wala ng pamilya na nag-aalaga sa kanila.

Ibinahagi ng isang concerned citizen na si Jun Batac ang kwento ni Lola Lusing sa social media para makahingi ng tulong. Dahil mag-isa na lang ay walang nag-aalaga at nag-aasikaso kay Lola kaya naman umaasa lang siya sa pamumulot ng tirang pagkain at mga bigay ng mabubuti niyang kapitbahay.

Credit: Facebook / Jun Batac

Mahirap lamang si Lola Lusing kaya naman wala siyang kakayahan ng bumili ng pagkain at magtrabaho pa. Ang mga pagkain na naiipon niya mula sa mga napulot at bigay ay kanyang itinatabi at tinitipid ng ilang araw para makaraos. Dahil sa post ni Jun ay maraming netizens ang nadurog ang puso at hindi naiwasang maawa para sa kalagayan ni Lola. Sa kabutihang palad ay maraming nakapansin ng post kaya maraming nagpaabot ng tulong.

Biniyayaan si Lola ng mga groceries, mula sa mga de lata, itlog, kape, asukal, noodles, bigas at mga biscuit. Bukod sa mga groceries ay may nagpaabot din sa kanya ng pinansyal na tulong para mayroon siyang pambili ng kanyang mga kailangan. Si Lola ay nakatira sa Barangay Maananteng, Solsona, Ilocos Norte kung saan nagpaabot rin ng tulong ang lokal na gobyerno ng Solsona para sa kanya.

Credit: Facebook / Jun Batac

Maraming netizens ang nagpaabot ng magagandang komento upang lumakas ang loob ni Lola Lusing:

“We love you Lola! God loves you and bless you.”

“Magpakatatag ka lang Lola, hindi ka pababayaan ng Poong Maykapal.”

“Diyos na ang bahalang magbalik sa mga taong tumulong kay Lola.”

“Good job! Npakabuti ng mga taong tumulong kay Lola, pagpalain nawa kayo.”

Credit: Facebook / Jun Batac

May mga netizens ang nagtanong kung nasaan ang pamilya ni Lola Lusing at bakit mag-isa na lamang ito. Ang ilan ay hindi napigilang magpahayag ng negatibo ukol sa kanyang mga anak o kamag-anak:

“Wala ba siyang mga anak o kamag-anak man lang? Kawawa naman at matanda na tapos mag-isa pa.”

“Saan kaya ang mga anak ni Lola bakit siya hinayaang mag-isa?”

“Baka biglang magsulputan mga anak o kamag-anak ni Lola dahil sa mga natanggap niyang tulong.”

“Naku dahil dyan babalik na mga anak niya dahil madami na siyang supply ng groceries.”

“Maglalabasan mga kamag-anak nyan tapos iiwan lang ulit siya kapag ubos na yung supply niya.”

Credit: Facebook / Jun Batac

Malaki ang pasasalamat ni Lola Lusing sa mga taong tumulong sa kanya at biniyayaan siya ng mga pagkain at pinansyal na tulong. Labis umano ang kanyang kasiyahan dahil hindi na siya mamomroblema kung saan siya mamumulot ng pagkain niya sa araw-araw. Hindi na rin siya aasa at maghihintay sa bigay na ulam ng kanyang mga kapitbahay dahil may sarili na siyang pagkain.

Marami ang umaasa na sana ay hindi dito magtapos ang mga tulong na matanggap ni Lola Lusing. At mas maganda sana kung may mabuting loob ang kukupkop sa kanya para alagaan siya tulad na lamng daw ng DSWD o Home for the Aged.

Leave a Reply