Amang Fishball Vendor, Nagsumikap para Mapagtapos ang Apat na Anak sa Kolehiyo

Ibinahagi ni Girlie Versoza sa kanyang Facebook post ang kwento ng kanyang fishall vendor na ama, kung saan ay matagumpay silang napagtapos na magkakapatid sa kolehiyo. Proud na ibinahagi Girlie ang pagsusumikap at pagtataguyod sa kanila ng kanilang ama sa pamamagitan lamang ng pagtitinda ng street food tulad na lang ng fishball.

Ang pagkakaroon ng anak ay isang mahirap na responsibilidad kapag nagsipag-aral na at mas mahirap kapag nasa kolehiyo dahil mas magastos ito. Kaya naman nakakabilib ang sipag at tiyaga ng ama nila Girlie dahil nagawa nitong mapagtapos silang apat na magkakapatid.

Credit: Facebook / Girlie Versoza

Lubos ang pasasalamat ni Girlie sa kanyang ama dahil hindi ito sumuko sa pagtatrabaho sa kalsada, mainit man o umuulan ay patuloy itong nagtitinda ng fishball.

“Maraming salamat sa papa ko at mama ko… alam ko po na marami kayong gutom na tiniis… maraming panghihina ang pinaraya… maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahilo na… puyat at pagod na… pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral… maraming maraming salamat po.”

Credit: Facebook / Girlie Versoza

Kwento ni Girlie, dahil isang fishball vendor ang ama at ito ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya ay madalas silang makaranas ng pagpapahiya sa mga tao at madalas sa kanyang mga kaklase. Ngunit dahil pinalaki silang mabuti ng kanilang mga magulang ay natutunan nilang magkakapatid na balewalain ang pagpapahiya at pang-iinsulto at magpatuloy lang sa kanilang pag-aaral.

Palagi rin daw silang pinapayuhan ng ama na huwag mahiya sa kanilang estado sa buhay at huwag ipilit ang sarili sa ibang tao, kung saan nga ay hindi nila nakakalimutan at palaging isinasabuhay.

Credit: Facebook / Girlie Versoza

“Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya… wag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao… maging natural ka lang,” ang laging payo ng kanilang ama.

Ngayon nga ay masaya ang kanilang pamilya dahil nakapagtapos na silang magkakapatid at makakatulong na sila ng lubos sa kanilang mga magulang. Mababawasan na rin ang paghihirap ng kanilang ama sa pagtitinda dahil hindi na nito iisipin pa ang kanilang pag-aaral.

Credit: Facebook / Girlie Versoza

Dahil sa post ni Girlie na nag-trending ay umani ito ng maraming positibong komento mula sa netizens na nagpaabot ng paghanga para sa kanilang ama.

“One in a million you, your family is an inspiration in it’s truest sense.”

“Wow, I salute you Tatay sa iyong kasipagan at pagpupursige na mapagtapos mo ang apat mong anak kahit fishball vendor ka lang. Keep up the good work, isa kang inspirasyon sa nakararami.”

“Proud ako sayo Tatay, proud din ako sayong mga anak na sinuklian ang paghihirap mo.”

“Yan ang padre de pamilyang tunay, saludo po kami sa inyo pati sa mga anak niyo.”

“Hindi talaga hadlang ang kahirapan sa pag-aaral, inspirasyon yan para makapagtapos.”

Credit: Facebook / Girlie Versoza

Alam ni Girlie at ng kanyang mga kapatid ang paghihirap ng kanilang ama kaya naman tinumbasan nila ito ng pagsusumikap sa pag-aaral at determinasyon upang makapagtapos.

Hindi man naging madali ang pagtatrabaho bilang isang fishball vendor, ang pagmamahal sa kanyang mga anak at kagustuhan na maabot ang kanilang pangarap ay naging sapat na para kay Tatay upang magpatuloy sa buhay. Walang pagod at hirap ang di kayang tiisin para sa pamilya.

Leave a Reply