Tinderong Pasan Ang Anak Sa Paglalako, Dinaluhan Ng Mga Tao Pagkatapos Mahilo Sa Daan

Napakahirap talaga ng buhay ngayon lalo na at dumating pa ang pandemya. Maraming magulang ngayon ang todo kayod para sa kanilang mahal na pamilya, matugunan lamang ang pangangailangan at makaraos sa araw-araw kahit pa isakripisyo na nila ang kanilang sarili.

Bilang isang responsableng magulang, kakayanin mo ang lahat umaraw man o umulan, kahit pa ay pagod ka na. Katulad na lamang ng kwento ng tinderong ito na akay-akay ang kaniyang anak habang naglalako.

Credit: Sun Star

Isang post ang nag-viral sa social media tungkol sa isang ama na masikap na naglalako sa ilalim ng init ng araw, habang parehong buhat ang kanyang mga paninda at kanyang batang anak na lalaki.

Makikitang nahihirapan na ang ama sa kanyang trabaho habang akay ang anak ngunit patuloy pa rin siyang naglalako para makabenta at kumita sa araw na iyon. Dahil mahirap ang buhay ay hindi nagpatalo sa pagod ang lalaki kahit kita naman na pagod na ito at kailangan nang humito at magpahinga muna.

Ngunit nagulat ang mga netizens ng bigla na lamang itong napaupo sa tabi ng kalsada. Dahil nga sa init ng araw at pagod ay hindi na kinaya ng katawan nito kung kaya ay nakaramdam na ito ng pagkahilo at tuluyan nang napaupo sa isang tabi.

Credit: Sun Star

Sa hindi inaasahang pagkakataon, maraming netizens ang nakapansin sa nangyari at agad siyang nilapitan para tulungan. Ang mabubuting netizens ay inabutan siya ng gamot at inumin upang mahimasmasan siya at binigyan na rin siya ng pagkain para na rin sa kanyang akay na anak.

Napag-alaman na ang tinderong lalaki pala ay pilit na nagsususumikap sa pagtitinda dahil may sakit ang kanyang asawa at naiwan ito sa kanilang tahanan. Dahil may sakit ang asawa ay hindi nito mabantayan ng maayos ang kanilang anak kaya naman ay napagdesisyunan na lang nito na isama ang anak sa pagtitinda at paglalako sa kalsada.

Credit: Angelus News

Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ng ama at pagiging determinado nito sa pagtitinda kahit pa ay pagod na. Nakakabilib ang kanyang pagiging responsableng padre de pamilya kaya naman ay umani ito ng papuri sa mga netizens.

“Naiyak naman ako kay Kuya. Laban lang, Kuya!”

“Buti pa si Kuya hindi talaga iniwan ang pamilya niya. Salute po sa inyo.”

“May God be with you always Tatay, sana maraming tumulong sa iyo araw-araw.”

“May awa po ang Diyos, kumapit ka lang po Tatay at pakatatag ka.”

“Father’s love yan kahit hirap na, magtatrabaho pa din para sa pamilya. Salute.”

Credit: Sun Star

Marami rin mga netizens ang nagbigay papuri at pasasalamat sa mga tumulong sa lalaking tindero at anak nito. Habang may mga nagkomento rin na nais nilang tulungan ang mag-ama kung sakaling makita nila ito o makilala sa personal.

Talaga namang nakakabilib ang pagsusumikap ng amang ito para sa kanyang pamilya, handa siyang magsakripisyo maibigay lang ang pangangailangan ng kanyang minamahal na asawa at anak. Isa siyang magandang halimbawa para sa lahat ng padre de pamilya sa buong mundo.

Leave a Reply