Donny At Belle, Bagong Kinakikiligang Loveteam Dahil Sa Natural Nilang Chemistry

Ang rising loveteam na kinakikiligan ngayon ng marami ay ang DonBelle na binubuo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Sila ang bagong loveteam na pinag-uusapan ngayon dahil sa nakakakilig at natural nilang chemistry.

Ang tambalan nila ay nagsimula nang gumanap sila sa sikat na Wattpad Series ng author na si Maxinjiji na He’s Into Her. Napansin agad ng maraming netizens ang nakakakilig nilang tambalan kahit hindi pa noon nagsisimulang ipalabas ang series, at sa mga trailers promotions pa lang sila nakikita.

Credit: Instagram / donny

Hindi kataka-taka ang biglaan ngang pagsikat ng kanilang loveteam na umani agad ng maraming fans. Mas lalo pa silang sumikat nang magsimula na ngang ipalabas ang He’s Into Her, na linggo-linggong inaabangan ng mga manunuod dahil sa kaabang-abang na kwento at nakakakilig na samahan ng dalawa on-screen.

“I love what Direk Chad said. Love doesn’t choose. It doesn’t choose a specific age, a specific person. It happens to everyone, which is why a lot of people, even if you’re not in high school like He’s Into Her,” sabi ni Donny.

Credit: Instagram / donny

Nagsumikap si Donny na mabigyang hustisya ang karakter niya at magampanan ito ng mabuti. Nagustuhan niya rin ang aral na ibinibigay nito kaya naman ay hindi niya binigo ang mga manunuod.

Matatandaan na bago magsimula noon ang kanilang palabas ay umani pa ito ng mga batikos at mga pagdududa mula sa mga netizen dahil hindi nila nagustuhan ang casting ng sikat na wattpad series. Maraming nagsabi na hindi bagay si Donny at Belle para sa karakter nila ‘Deib’ at ‘Maxpein’.

Credit: Instagram / belle_mariano

“There was pressure at first. Siyempre, kailangan naming maabot yung expectations nila, and knowing that the series is somehow a bit far from the book, may pressure,” sabi ni Belle.

Ngunit pinatunayan ng dalawa na nagkamali ang mga humusga sa kanila at karapat-dapat sila para sa karakter. Ngayon nga ay maraming nagulat at nabilib sa ipinakitang pag-arte ng dalawa sa series. Hindi inaasahan ng marami na magiging maganda ang takbo ng series at nabigyan pa nila ito ng kakaibang dating at dagdag na kilig.

Credit: Instagram / belle_mariano

“I’m glad and I’m really thankful that everyone liked it. I’m really blessed to be a part of this project,” pahayag ni Belle.

Maski ang iba pang cast na nakatanggap rin ng panghuhusga at pagdududa, kung saan ay mga baguhang artista lang din ay pinatunayan ang galing nila sa pag-arte at binigyang hustisya rin ang mga karakter nila. Hindi binigo ng buong He’s Into Her casts, direktor at buong production ang mga netizens, lalo na ang mga masugid na tagahanga ng series noong nasa Wattpad pa lamang ito, bago pa man ito naisapalabas.

Credit: Instagram / belle_mariano

Ang Wattpad series ay umani ng maraming viewers at mga papuri mula sa mga netizens. Nagtapos ito ng may magandang ending at rating. Wala pa man ay inaabangan na ng marami ang pagkakaroon nito ng Season 2 na isang magandang patunay na maganda ang kinalabasan ng kanilang gawa.

Sa kabila ng apat na taong agwat ni Donny kay Belle ay napanindigan nila ang kanilang karakter at nagpakita ng magandang tambalan. Hindi nga mapaghahalataan ang age gap nila, at ang pagiging baguhang loveteam dahil sa ipinamalas na galing sa pag-arte at pagbibigay ng natural na chemistry.

Credit: Instagram / donny

“Sobrang napaka-professional ng mga cast ng He’s Into Her lalong-lalo na sina Donny at Belle. Makikita mo talaga na malakas sila sa mga netizens. Forever Donbelle.”

“Kilig ako sa dalawang yan, bagay na bagay sila, nakakatuwa sana may Season 2.”

“My new fave loveteam. Hoping for Season 2.”

“I like this loveteam, they look good together and they have chemistry. I’m not surprise that they will be famous like Kathniel.”

“They are perfect match. I was so thrilled with their loveteam.”

Samantala, muling kinakiligan ang dalawa matapos ang photoshoot nila para sa Metro Magazine. Ang photoshoot na ito ay ginawa ni Donny at Belle para sa cover ng Metro Magazine bilang opisyal na magka-loveteam.

Credit: Instagram / donny

Maraming netizens ang kinilig na naman sa kanilang photoshoot at sa mga larawan. Hindi mapigilan ng mga netizens at mga fans ang matuwa at kiligin. Hindi maipagkakaila na talagang bagay ang tambalan ng dalawa kung saan nga ay inaabangan na rin ng marami ang pagkakaroon nila ng iba pang proyekto na magkasama.

Ang pagkakaroon ng mga loveteam dito sa Pilipinas ay normal na sa industriya ng showbiz magmula pa man noon tulad na lang ng tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Ngunit iilan lamang ang sumisikat at nagtatagal tulad ng loveteam na Kathniel na ngayon nga ay isa sa pinakamatagumpay na loveteam at real life couple. Kaya naman pagdating sa tambalang DonBelle, isang malaking tagumpay na sumikat at tangkilikin sila ng marami, at umaasang magtatagal ang tambalan nila at magkaroon pa ng maraming proyekto na magkasama.

Leave a Reply